Magandang anak ni Robin Padilla, isa na ngayong Film Director



Isa sa mga batikang aktor na nakilala sa ating bansa ay si Robin Padilla. Ang beteranong aktor ay hinangaan natin sa kanyang galing sa aksyon, katatawanan, at kiligan. Maraming kababaihan ang humanga sa kanyang kagwapuhan at karisma.


Bukod kay Robin Padilla, may anak din siyang babae na isang aktres ng Kapuso na si Kylie Padilla.Masasabing magandang lahi ang napamana ni Robin sa kanyang mga anak.




Pero kilalanin naman natin ang isa pang babaeng anak ni Robin Padilla sa kanyang dating asawa na si Liezel Sicangco. Nagka-hiwalay si Robin at Liezl noong taong 2007. Si Zherileen “Zhen” Padilla ay isa rin sa magagandang anak ni Robin Padilla na naka-graduate sa degree ng filmaking sa Bond University sa Queensland Australia. Bukod din kay Liezl ay may anak din silang lalaki na ang pangalan ay Ali Padilla.


Lubos na ikinasaya ito ng ama ni Zhen Padilla. Kaya naman ibinahagi ni Robin Padilla ang pagmamalaki niya sa natapos ng kanyang anak. Mga larawan ang makikita sa Instagram ni Robin Padilla patungkol sa pag-graduate ng kanyang anak sa pagiging direktor.



May larawan na makikita na magkakasama sila sa graduation ni Zhen Padilla. Kasama dito. Ang ang dating asawa na si Liezl at ang anak ni Robin Padilla na lalaki na si Ali Padilla.

Ito ang sinabi ni Robin Padilla sa ibinahaging larawan:
“Mga kababayan My director Zherileen Padilla,”




Hindi nakarating ang ate Kylie sa graduation ni Zhen pero masayang binati ito ng kanyang kapatid sa Instagram noong ika-10 ng Abril.

Ayon kay Kylie:
“so proud. Soon, all your hard work will pay off Zhen. We love you.”



Kahit na naghiwalay si Robin at Liezl, sila ay nasa mabuting sitwasyon sa pagsuporta sa mga anak. Sa kasalukuyan ay kapiling ni Robin ang asawa niyang si Mariel Rodriguez at may anak silang dalawang taong gulang na si Isabella. Binati din ni Mariel ang narating ng anak ni Zhel sa post ng kanyang ama.


Si Zhel Padilla na kaya ang isa sa mga magagaling na direktor ng ating bansa? Abangan natin ito! Siguradong suportado siya ng kanyang ama.



error: Content is protected !!