Silipin ang mamahaling Villas sa may Hotel at Casino sa Parañaque, ₱500K ang halaga kada-araw



Hilig mo ba ang mag-casino at manatili sa isang magandang hotel? Baka Okada Manila na ang hinahanap mo! Ang Okada Manila ay isang Casino at Hotel sa Parañaque City. May lawak itong 44-hectare at isa sa mga nakaka-mangha na lugar dito ay ang mga magagara nilang mga villas. Pero kung nais magpunta dito, dapat lamang ay handa ka sa rate nito kada-araw.


Sinabi na kapag mayroon kang ₱500,000, maaari mo ng magamit at masiyahan ang kanilang 1,400 square meter na villa. Ang bawat villa ay mayroong 5 kwarto at 9 na kama. Mayroon din itong mga bathrooms at bathtubs. May kusina, dining room, at minibar din. Para makapag-relaks, mayroon din silang spa, sauna, entertainment room na may videoke, indoor gym, at swimming pool.




Sa kasalukuyan ay mayroong tatlong villas na pwedeng magamit. Pinangalanan ito sa tatlong sikat na pasyalan sa bansa. Ito ang Cebu, Coron, at El Nido. Matatagpuan ang mga villas sa Pearl Wing ng Okada Manila.


Ang direktor for sales and marketing ng Okada Manila na si Julius Santos ay nagbahagi tungkol sa mga villas noong unveiling party na ang rate ng villas ay ₱800,000 sa weekday at ₱1,000,000 sa weekend. Pero mayroon itong introductory rate sa halagang ₱500,000.



Ayon kay Julius Santos:
“It comes down to supply and demand eventually, whether there’s a huge demand and we’re hoping there will be. So the prices will increase proportionately,”

Nakaka-bilib dahil sa pagbukas ng villas ay mayroon kaagad sumubok nito. Ang mga villas hindi lamang para sa mga mahihilig mag-casino pati rin sa mga taong gusto maranasan ang kagandahan ng lugar.



Ito pa ang sinabi ni Julius Santos:
“If you have P500,000 I’d love to have you here. We’re an integrated resort with a huge casino component. What happens a lot of times, the casinos have high rollers, if they want to stay at the villa they talk to the casino and the casino books directly with us. And then there are people who just book the villa because they just want to be in the villa. First come first served,”




error: Content is protected !!