Ang paghaharap ng Wedding Coordinator sa mga nagrereklamo sa kanyang kapalpakan sa isang kasalan



Lumapit sa tanggapan ni Raffy Tulfo ang isang ikinasal na babae kasama ang caterer, photographer, at emcee ng kanyang kasal. Sila ay nagrereklamo sa mga ginawang kapalpakan ng wedding coordinator sa kasal at sa hindi pagbayad sa mga serbisyong nagawa na at sa catering na nakain na. Si Ruby Rubillos ang babaeng ikinasal na nirereklamo si Ma. Elisa Cabeso ng Sofia Richest All About Events. Ang reklamo niya ay tungkol sa hindi magandang kasal na ibinigay sa kanya. Lahat ng inakala ni Ruby ay hindi nangyari kahit na nagbayad naman siya. Naniningil pa ang wedding coordinator dahil sumobra daw ang dumating na guests.



Nagbayad ng ₱159,000 para sa 150 guests, ngunit ang sabi ni Ruby ay 100 lang daw ang naihanda ng catering at kulang pa ang upuan. Bukod pa rito ay nireklamo din ang bulaklak na ginamit niya na ito ay plastik na bulaklak. May mga litrato rin ang ipinakita sa mga lamesa sa reception. Ang sabi pa ni Raffy Tulfo na parang nagto-tongits lang ang itsura ng mesa.


Itinanggi mag bayad ni Ruby sa sinisingil ng wedding coordinator sa kanya dahil ang hinandang pagkain ay para lamang sa 100 na tao na imposibleng maging 250 mahigit ito. Sinabi rin na 100 na upuan lang din hinanda sa reception. Pero magaling magsalita ang wedding coordinator at nakukuha niyang lusutan ang bawat paratang sa kanya. Sa bandang huli ay nanindigan pa rin ang wedding coordinator at sinabing nag-file na sila ng kaso. Hinayaang magka-usap ang caterer, emcee at photographer ngunit tinanggihan ng wedding coordinator kausapin ang babaeng nagreklamo sa palpak na kasalan.

Sinabihan ni Raffy Tulfo ang mga nagrereklamo na kapag hindi nagbayad ang wedding coordinator sa mga nagbigay ng serbisyo at sa kinasal na sinsingil pa ng karagdagan sa palpak kasalan, tutulungan sila ng programa na mag-file ng estafa.