Chesca at Doug Kramer, ipinasilip na ang napakagara nilang mansyon na labis na hinangaan ng publiko!

Ang pagpapakasal at pag-aasawa ay isa sa pinakamagandang biyaya mula sa Maykapal na talaga namang ipinagpapasalamat ng marami sa atin. Tunay nga na ito ay isang desisyon na nakapagpapabago ng buhay ng isang tao, dahil sa ikaw ay bubukod na mula sa iyong pamilya, magkakaroon ng sariling mga anak, at sariling tahanan. Panigurado din naman na ikaw ay magiging mas mabuti at responsableng tao pa.


Kung pagpapakasal o pag-aasawa ang pag-uusapan ay tiyak na nangangahulugan ito ng pagbuo ng isang pamilya at pagkakaroon ng mga anak. Ngunit higit pa rito ay ang pagkakaroon ng sariling tahanan kung saan kayo bubuo ng mga pangarap at kung saan ninyo papalakihin ang inyong mga anak. Ngunit sa panahon natin ngayon ay tila mas maraming pamilya ang nagsasama-sama sa isang tahanan magmula sa mga magulang, sa kanilang mga anak, at sa kanilang mga apo.


Tiyak na marami ang nagnanais na magkaroon ng sariling tahanan ngunit hindi lamang nagbibigyan ng pagkakataon dahil sa pinansyal na pangangailangan at ilan pang mga problema. Kung kaya naman talagang hinahangaan ng marami ang Team Kramer o ang pamilya Kramer na kilalang-kilala sa social media.


Kamakailan nga lamang ay ipinasilip nila ang kanilang bagong tayo na tahanan na mayroon pang sariling movie room at adventure zone para sa kanilang mga anak na sina Clair Kendra, Scarlett Louvelle and Gavin Phoenix. Tunay nga na labis na ipinagpapasalamat ng pamilya ang pagpapala na ito na dumating sa kanilang buhay. Ang pamilya nina Doug at Chesca Kramer ay hinangaan ng marami dahil sa magagandang asal na kanilang itinuturo sa kanilang mga anak na ibinabahagi naman nila sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta.


Ang haligi ng tahanan ng Team Kramer ay kilala bilang si Douglas Rimorin “Doug” Kramer na 35-taong-gulang na basketball player mula sa Phoenix Pulse Fuel Masters ng Philippine Basketball Association o PBA.



error: Content is protected !!