Hinangaan ni Willie Revillame ang isang ama na nagongolekta ng basura upang mapag-aral ang kaniyang mga anak!



Tunay ngang mahirap ang buhay para sa maraming mga Pilipino lalo na ngayon na mas mataas ang mga pangunahing bilihin at matrikula kaysa sa mga sweldo ng mga empleyado. Kung kaya naman maraming mga tao ang naka-relate sa kwento na ito ng mag-ama na kalahok sa Wowowin. Si Andrew ay isang contestant sa Wowowin na naitampok sa nasabing programa dahil sa mga contestant na naging parte ng summer workshop. Kasama niya sa programa ni Willie Revillame ang kaniyang ama na si Tatay Tunying na nangongolekta ng mga basura sa Payatas. Binati niya ang kaniyang mga kamag-anak, mga kaibigan at mga kamag-aral sa Cecilia Muñoz-Palma Highschool. Siya ay incoming grade 11 sa South East-Asia Institute of Trade & Technology. Ayon pa sa binata ay higit dalawang taon na siya nagwoworkshop at isang kaibigan ang tumulong sa kaniyang makapasok dito ng libre. Ang nasabing workshop ay matatagpuan sa Makati at kilala bilang CIF-Creative Image Foundation kung saan siya nahasa sa pagsayaw, pagkanta, pag-arte at pagteteatro. Noong una ay pagsasayaw lamang ang hilig niya ngunit kalaunan ay nadiskubre niya na hilig niya rin pala ang pagkanta, at pag-arte. Naibahagi din ng 16 na taong gulang na binata na ang kaniyang ama ay nangongolekta ng basura sa Payatas. Sa kabila nito ay hindi niya ikinahihiya ang kaniyang ama na tumutustos sa pag-aaral nilang magkakapatid. Bukod pa rito ay mayroon siyang ate na isang special child kung kaya naman kadalasan ay kulang o di kaya naman ay sapat lamang ang magiging kita ng ama para sa kanilang pamilya.



Hinangaan ni Kuya Wil at ng maraming mga tao ang ama ni Andrew na sa kabila ng hirap ng buhay ay nagsusumikap pa din at nagtitiyaga sa buhay. Ito ang naging inspirasyon ng maraming mga Pilipino na sa kabila ng hirap ng buhay ay masarap pa ring magkaroon ng pamilya na handang tumulong, sumuporta at magmahal sa inyo.




error: Content is protected !!