Isang batang contestant sa Wowowin, nagbigay ng mensahe para sa kaniyang ama na alagaan nito ang kaniyang mga manok!



Hindi lahat ng mga kabataan ngayon ay pinagpapala na magkaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya. Marahil ay depende na rin kani-kaniyang nating mga problema at mga pagkakaiba sa ating pamilya. Mayroon din namang mga magulang na mas pinipili na lamang na magtrabaho sa ibayong dagat para sa mas malaking kita kahit pa nga ang kapalit nito ay ang pagkawalay sa kanilang mga anak. Parehong nagsasakripisyo ang mga magulang at mga anak dahil sa kanilang pagkakalayo at pagkawalay sa isa’t-isa ng mahabang panahon. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng marami at ikinatuwa ang mensahe ng isang bata na contestant sa isang segment ng Wowowin. Siya ay nakilala bilang si Ineng na nasa unang baitang na sa elementarya. Marami ang natuwa sa kaniya dahil sa tila pagseselos niya sa mga alagang panabong ng kaniyang ama tulad ng mga kwento na kadalasan nating naririnig o napapanuod. Magiliw niyang sinagot ang tanong ng host ng programa na si Willie Revillame kung ano ang kaniyang mensahe sa kaniyang ama na hindi nakasama sa studio para sana ay suportahan siya at nanunuod na lamang sa kanilang telebisyon. Talaga namang marami ang napatawa ni Ineng dahil sa halip na mensahe ng pagmamahal ang kaniyang iaalay sa ama ay nagbilin ang bata sa kaniyang ama na huwag pababayaan ang kaniyang mga alagang manok. “Daddy mahal na mahal kita. Alagaan mo yung mga anak,” ito ang sinabi ni Ineng sa kaniyang ama habang siya ay umiiyak.



Talaga namang bibong bibo ang bata na ito na sinabihan pa ni Wil na maaaring maging isang artista. Nang tanungin ito ni Wil kung maganda siya ay agad niya itong sinagot ng “Hindi po.” Matapos nito ay tinanong din siya ni Wil kung ano ang gusto niyang ibigay sa kaniya ng host. Matapat na sagot ng bata ay “Kahit 100.”

Talaga namang ang mga bata ay hindu marunong magpanggap at magsinungaling. Matapos ang “Willie of Fortune” ay nag-uwi siya ng sampung libong piso at isang telebisyon.






error: Content is protected !!