Isang kasalan ang usap-usapan ngayon dahil sa libu-libong pera na nakasabit sa mga damit ng bagong kasal na ito mula sa kanilang mga ninong at ninang!



Tunay nga na ang pagpapakasal ay minsan lang darating sa buhay ng isang tao. Kung kaya naman hindi na nakakapagtaka na ito ay labis na binibigyang-pansin, pinaglalaanan ng oras at panahon ng mga magkasintahang ikakasal. Mayroong mga nagnanais ng enggrandeng kasalan na talaga namang hindi malilimutan ng mga magkasintahang ikakasal at ng kanilang mga mahal sa buhay. Mayroon din namang mga ikakasal na mas ninanais na lamang ng simpleng kasal at mas nagiging praktikal at itinatabi na lamang ang kanilang ipon para sa kanilang pagsisimula bilang mag-asawa. Ngunit kamakailan lamang ay hindi pinalampas ng maraming mga netizen ang kasalan na ito kung saan tampok ang galante nilang mga ninong at ninang na halos isuot na sa kanila na parang mga damit ang mga pera na lilibuhin. Ito ay ayon na rin sa ibinahaging post ng isang netizen na nakilala bilang si Mc Kevin na mayroon pang caption na “Yung ninong at ninang na galit talaha sa pasabit.” Nag-viral ang post niyang ito dahil sa kakaiba at tila wala pang gumagawa ng ganito sa isang kasalan. Talaga namang kamamanghaan mo ang mga ninong at ninang na napakagalante sa pagbibigay sa kanilang mga inaanak sa kasal. Sino nga naman ang hindi matutuwa kung ganito ang isasalubong sa inyo ng inyong mga ninong at ninang? Sa ngayon ay mayroon nang 4.3 libo na mga likes, 2 libo na mga komento at 8.8 libo na mga shares ang nasabing post. Ang mga ninong at ninang ang nagsisilbing pangalawang magulang ng kanilang mga inaanak. Sila ay nananatiling gabay at taga-suporta ng kanilang mga inaanak sa pagharap nila sa hamon ng buhay at sa mga landas na kanila pang tatahakin.



Nakakatuwa lamang isipin na ang mga ninong at ninang ng mga bagong kasal na ito ay talaga namang nakasuporta sa kanilang mga inaanak. Marami ang mga netizen na tila nainggit at nagnanais na magkaroon din sila ng mga ganitong ninong at ninang kapag sila ay nagpakasal pagdating ng panahon.




error: Content is protected !!