Categories: NewsShowbizViral

Batang Aktres na si Angeli Gonzales dati, nakapagtapos ng medisina!

Noong tayo ay mga bata, madalas tayong tanungin ng ating mga magulang kung ano ang gusto nating maging kapag tayo ay tumanda. Naaalala niyo pa ba ang mga sinasagot niyo? Karaniwan sa mga sinasagot ay Doktor, Pulis, Piloto, Artista, Singer, at marami pang iba. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay natutupad ang mga naging pangarap natin noong tayo ay bata. Habang lumaki ay naiiba ang pananaw natin sa buhay at ito ang nagiging dahilan upang maiba ang tahak natin sa ating kinabukasan.

Isang halimbawa dito ay ang dating batang aktres ng ABS-CBN na si Angeli Gonzales. Kung naaalala niyo pa siya, anim na taong gulang siya ng pinasok niya ang mundo ng showbiz. Ilan sa mga pinabilangan niyang mga palabas ay ‘Home Along Da Riles’, Got To Believe In Magic’, ‘Luv U’, at ‘Maalaala Mo Kaya’. Mala-anghel ang itsura niya dati na kinaaliwan ng maraming tao. Siyempre, mahusay din ang mga pagganap niya sa mga palabas.

Pero minabuti ni Angeli na tumutok sa pag-aaral kaysa sa maging artista. Kung tutuusin ay nakaka-hinayang ito sa iba dahil hindi madali ang makapasok sa showbiz.

Siya ay nag-aral ng pagdodoktor sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Cavite sa kursong MD Outstanding Clinical Clerk, Family and Community Medicine. Marami ang nagtataka kung bakit mas pinili niya ang mag-doktor kaysa sa maging artista.


Ito ang naging sagot ni Angeli:
“So bakit nga ba ako nagdoktor? Hindi ko talaga alam. Some days it was a constant struggle to stay in the hospital and work, knowing what I turned my back on…Kaya ako nag-doktor para sa mga pasyente ko. I wanted to become a doctor for my future patients. And I consider myself lucky because I am able to pursue a dream that may be the key for other people to be able to pursue their own.”

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago