Binabalak ni Mayor Isko Moreno na maibalik ang “nutribun” at gatas sa mga paaralan upang hindi na muling magutom pa ang mga mag-aaral!



Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ito ang pamosong linya at kasabihan ng ating bayani na si Doktor Jose Rizal na madalas din nating nadidinig sa ating mga lolo at lola. Ngunit sadyang kay hirap talaga ng buhay ng marami sa atin. Hindi maipagkakaila na hindi ganoon kadali magkaroon ng maayos at magandang edukasyon para sa maraming mga kabataang Pilipino na magiging sandata rin nila sa pag-abot ng kanilang mga pangarap na kalaunan ay magbibigay karangal sa ating bayan.

Mayroon din namang ilang mga estudyante na pumapasok ng paaralan ng walang laman ang mga tiyan, kumakalam ang sikmura, kulang kulang ang mga gamit pang-eskwela, at hindi maayos ang mga uniporme at walang maayos na sapatos. Buti na lamang at marami pa ring mga tao, organisasyon at maging ang ating pamahalaan ang gumagawa ng kani-kanilang mga hakbang upang makatulong sa mga kabataang Pilipino na nagnanais makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap ngunit walang kakayahan ang kanilang pamilya na mapag-aral ang mga kabataan na ito.



Kamakailan lamang ay ikinatuwa ng marami ang pahayag ng alkalde ng Maynila na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso na naglalayon na maibalik ang “nutribun” at gatas sa mga feeding program sa mga paaralan lalo na sa elementarya. Sa ilalim ng feeding program, ang gobyerno ang magbibigay ng pondo para sa mga masusustansiyang pagkain ng mga mag-aaral mula sa una hanggang ika-anim na baitang upang masigurado na wala nang bata na kakalam ang sikmura sa paaralan.


Kilala na mula sa hirap at nagkakalakal ng mga bakal bote ang alkalde na nagsumikap at matagumpay na ngayon. Ninais niyang maibalik ito upang mas mapangalagaan ang mga kabataang Pilipino. Ang “Nutribun” na tinutukoy ng alkalde ay ang tulong na ibinigay ng Amerika sa Pilipinas upang mabawasan ang bilang ng mga kabataan na mayroong malnutrisyon sa bansa. Nagsimula ang programa na ito noong rehime ng Marcos taong 1970s. Bago magsimula ang klase ay binibigyan ng “nutribun” at gatas ang mga estudyante.





error: Content is protected !!