Mga nangyari sa buhay ni Barbie Hsu ‘San Chai’, kay ganda pa rin niya kahit 17 taon na ang nakalipas



Taong 2003 ng ating mapanuod sa Pilipinas ang TV Series na ‘Meteor Garden’. Naging patok ito sa maraming Pinoy at sinubaybayan sa ABS-CBN tuwing hapon. Umiikot ang kwento sa apat na mayayamang estudyante na tinawag na F4 at isang pangkaraniwang dalaga. Kwento rin ito ng pag-iibigan ng isang mayaman at isang mahirap na kahit na kontra sa kanila ang lahat, ipapaglaban ang pagmamahalan. Siyempre, hindi lamang ang palabas ang kinagiliwan pati na rin ang mga kanta sa palabas na ito.

Naaalala niyo pa ba si Dao Min Si at si San Chai? Marami ang kinilig sa kanilang tambalan. Pati ang buong miyembro ng F4 ay tinilian ng maraming Pilipino. Dahil sa pagkahilig ng Pinoy sa Meteor Garden, ang iba pa ay bumibili ng mga kagamitan na may mga litrato ng F4 o si San Chai. Kahit na ang katanyagan nila ay nagmula sa Taiwan, sumikat ito sa maraming parte ng mundo. Sa ngayon nga ay nagkaroon ng bagong bersyon ng Meteor Garden na naipalabas din sa ABS-CBN.



Pero alamin natin ang mga nangyari sa buhay ni San Chai o ang tunay na pangalan ay Barbie Hsu. Si Barbie Hsu ay 41 na taong gulang ngayon. Pero hindi mo mapapansin na tumatanda siya dahil ang ganda pa rin niya hanggang ngayon. Ilan sa mga sikreto ng pagpapanatili ng kabataan niya ay pag-inom ng lemon water at rose tea.


Siya ay kinasal kay Wang Xiaofei na isang Chinese entrepreneur noong 2010. Sila ay biniyayaan ng dalawang anak. Napabalitaan din na sila ay magkakaroon dapat ng pangatlong anak kaso hindi pinalad na tumuloy dahil napag-alaman na hindi tumitibok ang puso nito at napilitang i-abort. Gayon pa man ay masaya si Barbie Hsu sa kanyang asawa at mga anak.


Hindi natin makakalimutan ang San Chai na hinangaan ng maraming sumubaybay sa palabas na Meteor Garden. Ang kanyang pagngiti at kagandahan ay maaalala ng maraming Pilipino.




error: Content is protected !!