Nagpatattoo ang babae na ito ng kaniyang kilay sa murang halaga ngunit laking gulat niya ng ito ang naging hitsura ng kaniyang kilay!



Narinig niyo na ba ang mga katagang “Kilay is Life”? Naging isang importanteng ritwal na sa maraming mga kababaihan ang magkilay sa tuwing lalabas sila ng kanilang mga tahanan o di kaya naman ay aalis sila at mayroong lugar na pupuntahan. Tiyak na maraming mga kababaihan na sasang-ayon na kaya nilang umalis ng tahanan kahit wala silang lipstick sa kanilang mga labi, eyeshadow sa kanilang mga mata, mascara at blush-on ngunit hinding hindi nila magagawa ang hindi magkilay sa mga ganitong panahon.

Tila nga naging isang natural na gawain na ang pagkikilay na ito sa maraming mga kababaihanh Pilipino. Ngunit kamakailan lamang ay ikinagulat ng marami ang kwento ng babae na ito na nagpatattoo ng kaniyang kilay sa murang halaga ngunit talaga namang nagsisi siya sa naging resulta.



Siya ay ang 26 na taong gulang na si Kanyarat Chaichan mula sa Thailand na talaga namang nakaranas ng pagkadismaya ng makita niya ang pinagbago ng kaniyang kilay na ngayon ay 1 sentimetro na. Ibinunyag niya na ang kaniyang kilay ay gawa sa murang halaga ng hindi eksperto sa pagtatattoo ng kilay. Labis siyang nagulat at nadismaya sa kaniyang nakita at talaga namang naisip niya na hindi na sana siya nagpatattoo pa nh kilay. Dahil sa ang ninanais niyang perpektong kilay ay hindi rin naman naisakatuparan.

Akala niya ay wala ng pag-asa ang kaniyang kilay, ngunit laking pasasalamat na lamang niya ng mayroong mabait na therapist na nagmagandang loob upang maipaayos niya ng libre ang kaniyang kilay sa halagang 50,000 baht o higit sa $1,600. Marso 21 ng bumiyahe siya sa Surat Thani, Thailand upang mapaayos ang kaniyang kilay. Ngunit kailangan pang maghintay ng anim na buwan upanh tuluyan nang maayos ang kaniyang kilay at makita ang resulta nito.



Ang kaniyang kwento ay nagsilbing aral sa marami pang mga babae sa buong mundo na mas maging maingat at maalaga sa kanilang sariling katawan dahil hindi nila maibabalik agad agad ang mga desisyon na kanilang ginawa.




error: Content is protected !!