Oyo Boy Sotto masayang-masaya sa kanilang family weekend bonding kasama ang misis na si Kristine Hermosa at mga anak nila!



Sadyang napakasaya nga makasama ang ating mga pamilya lalo na sa mga panahong hindi tayo masyadong abala sa ating mga trabaho o eskwela. Ang pagod, puyat, at stress sa buong linggo ay mapapawi at maaalis at mapapalitan ng kaligayahan at mga hindi malilimutang alaala.



Kung kaya naman talagang ikinaligaya ng pamilya nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa ang kanilang “weekend bonding” kasama ang kanilang mga anak na sina Kristian Daniel o Kiel, na ipinanganak noong Agosto 16, 2008, ang kanilang mga biological na anak na sina Ondrea Bliss, na ipinanganak noong Disyembre 26, 2011, si Kaleb Hanns, ipinanganak noong Oktubre 11, 2014, at si Valentin, na ipinanganak noong 2016.

Ikinatuwa ng maraming mga netizens ang mga video na ibinahagi ni Oyo Boy sa kaniyang social media account. Marami din ang nakapuna sa kakaibang ganda ng aktres na si Kristine Hermosa kahit pa apat na ang kaniyang anak sa mister na mga anak.


Talaga namang nakakatuwa ang pagbabonding ng pamilyang ito. Mayroon pa nga silang mga slow motion video na isa-isa silang inihahagis ni Oyo sa swimming pool maging ang kaniyang misis na si Kristine.

Sa kabila ng kanilang pagiging abala ay hindi pa rin nila nakakalimutan na magbigay ng panahon at oras para sa isa’t-isa. Tunay ngang iba pa din kapag ang iyong pamilya ang kasama sa mga ganitong uri ng kasiyahan.


Si Vittorio Mari Sotto o mas kilala bilang si Oyo Boy Sotto ay 35 taong gulang na aktor, komedyante, modelo at host. Siya ang anak ng beteranong komedyante at aktor na si Vic Sotto at Dina Bonnevie. Ikinasal siya sa aktres na si Kristine Hermosa noong 2011 at sila ay biniyayaan ng apat na mga anak.

 

View this post on Instagram

 

As per request…???

A post shared by Oyo Sotto (@osotto) on


Ang kanilang pamilya ay isang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga pamilyang Pilipino. Hindi lamang kagandahang-asal ang itinuturo nila sa kanilang mga anak kundi ang matatag na pananampalataya sa Panginoong Diyos.






error: Content is protected !!