Balikan nating muli ang ilan sa mga love teams na kinakiligan natin noon ngunit hindi nagkatuluyan sa totoong buhay!



Marami tayong mga hinangaan na aktor, komedyante, modelo, pulitiko at iba pang mga kilalang personalidad ngunit higit sa kanila ay minsan na rin tayong pinakillig at pinaluha ng mga love teams o mga magkakaparehang ito na ating sinusubaybayan sa mga sinehan at mga telebisyon. Ito ang ilan sa mga kilalang magkakapareha o love teams sa industriya ng show business na hinangaan at minahal ng marami ngunit hindi rin naman nagkatuluyan sa huli:

RICHARD GUTIERREZ at ANGEL LOCSIN



Source: ABS-CBN Star Cinema via YouTube channel

Sino ba naman ang makakalimot sa tambalan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin, sa mga programa man sa telebisyon o sa mga pelikula sa mga sinehan. Taong 2002 nang una silang magkasama sa programang “Click Batch 2” ng GMA network. Labis din silang nakilala bilang Alwina at Aguiluz sa isa sa pinakamatagumpay na pantaserye sa Philippine TV drama na pinamagatang “Mulawin”. Pagkatapos nga nito ay nagkaroon na sila ng kani-kaniya nilang mga proyekto hanggang sa malipat na nga ng estasyon ang aktres na si Angel Locsin. Taong 2-17 ng muli silang magkasama sa programang “La Luna Sangre” ng ABS-CBN ng lumipat ang aktor dito.


MARVIN AGUSTIN at JOLINA MAGDANGAL

Source: ABS-CBN Star Cinema via YouTube channel


Isa pang kilalang magkapareha sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal na unang nakilala sa kanilang pagganap sa palabas na “Gimik” noong 1996 sa ABS-CBN bilang sina Joey at Ese. Tampok din sila sa pelikulang “F.L.A.M.E.S” bilang sina Lesli at Butch kung saan mas lalo pa silang nakilala. Nagkaroon din naman sila ng pelikula na may pamagat na “Labs kita, okey ka lang?” noong 1998 na talaga namang tumatak sa maraming mga Pilipino. Sila ay gumanap bilang sina Ned at Bujoy.

RICO YAN at CLAUDINE BARRETO



Source: ABS-CBN Star Cinema via YouTube channel

Nakilala sina Rico Yan at Claudine Barreto sa pagtatambal nila sa mga pelikulang “Mangarap Ka” at “Got 2 Believe” noong 2002. Marami ang nagulat at nalungkot nang natuldukan ang kanilang pag-iibigan sa tunay na buhay ng bigla na lamang yumao ang aktor na hindi talaga inaasahan ng marami dahil noong mga panahon na yun ay talaga namang simula pa lamang ng pagbulusok ng kaniyang karera papataas.




error: Content is protected !!