Lyca Gairanod, dating maliit na batang sumali sa “The Voice Philippines, dalaga na siya ngayon!



Taong 2014 ng may isang maliit na bata ang nag-audtion sa” The Voice Philippines”. Nabilib ang maraming tao sa galing niya sa pagkanta kahit na bata pa lamang. Ang kinanta niya sa kanyang audition ay “Halik” ng Aegis. Umpisa pa lamang ng kanyang pagkanta ay nabilib na ang isang coach na si Sarah Geronimo. Tanging si Sarah lamang ang umikot sa kanya at kumuha sa kanya upang husayin at turuan. Ngayon ay nakikita pa rin siya sa mga TV guesting at mapapansin na lalo pa siyang gumaling kumanta. Hindi na rin nakakataka kung sakaling marami siyang taga-subaybay sa social media.



Pero mas maraming netizens ang naka-pansin sa pagbabago ng kanyang itsura. Si Lyca ngayon ay dalaga na. Mula sa pagiging bata na may nakaka-bilib na boses, ngayon ay pumuporma na at makikitang nagdadalaga na talaga.


Bukod sa angkin niyang husay sa pag-awit, maraming tao din ang naantig ang puso sa kwento ng kanyang pamilya. Kaya sa murang edad ay sumabak na siya sa singing contest upang matulungan ang pamilya sa kahirapan. Sa kanyang mga larawan sa kanyang mga social media accounts, makikita ang kanyang pananamit. Marami ang natuwa sa naging transpormasyon ng isang bata na ngayon ay isang nag-aayos na dalaga.

Sa kanyang itsura, masasabing mas magkakaroon siya ng tiwala sa kanyang sarili upang mabahagi ang kanyang talento sa maraming tao. Katulad ng iba na ka-edad ni Lyca, siya ngayon ay nagpupursige sa kanyang pag-aaral. Napabalitaan din na ang dating homeschool ay nagaaral ngayon sa isang eskwelahan sa Cavite.


Ang dating pamilyang hirap sa buhay, binago lahat ito ni Lyca. Dahil sa napanalunan niya sa “The Voice Philippines” nagkaroon sila ng sariling bahay, sasakyan, at napapag-aral niya ang kanyang kapatid. Nabili niya rin ng bangka ang kanyang ama na nagagamit sa pangingisda. Noong dating wala masyadong masuot na damit ngayon ay marami na. Ito ang magpapatunay na walang imposible kung mangangarap at magsisipag.






error: Content is protected !!