Marami ang nabigla sa naging itsura ngayon ni Jaden Smith



Naaalala niyo pa ba si Jaden Smith? Ang batang aktor na bida sa pelikulang “The Karate Kid” noong taong 2010. May malaking pagbabago ang nangyari sa kanyang itsura na ikinagulat ng maraming netizens.



Si Jaden Christopher Syre Smith ay ipinanganak noong July 8 1998. Isa siyang aktor, singer, rapper, modelo, at songwriter. Ang kanyang mga magulang ay sina Will Smith na isang magaling na Hollywood Actor at si Jada Pinkett Smith. Maaalala na gumanap din si Jaden sa pelikulang “The Pursuit of Happyness” kasama ang kanyang ama. Ito ay ang istorya ng isang ama na nawalan ng trabaho at nananatiling malakas at matatag para sa kanyang anak na si Jaden Smith ang gumanap. Ilan pa sa mga pelikulang nakilala siya ay “The Day The Earth Stood Still” at “After Earth”.

Pero pagtapos ng pelikulang “After Earth” ay hindi na ulit siya ulit nakita sa mga pelikula dahil tinutukan niya ang pagiging singer. Ito rin ang dahilan kung bakit sinusubaybayan siya sa social media. Bukod pa dito ay tinitignan din ng maraming netizens ang husay niya sa pananamit.


Dahil nakikita na halos lahat ngayon sa social media, marami ding mga nakitang mga larawan ng pagbabago sa itsura ni Jayden Smith. Mapapansin ang iba-ibang hairstyles sa mga fashion events, mga awards night, o sa kalsada lang.


May hairstyle pa nga siyang inahit ang kalahati ng kanyang buhok. Pero kamakailan lang, mas marami ang nabigla sa sobrang ipinagbago ng itsura ni Jaden Smith. May ilang netizens ang nagsabi na napaka-payat niya at tila bang may pinagdadaanan. May mga problema kaya siyang personal at naging dahilan ng itsura niya?

Si Jayden Smith ay kamakailan lang nakita sa Coachella at nakasama niya ang kanyang ama sa pag-perform dito. Bagamat maraming nabigla sa naging itsura ni Jaden Smith ngayon, sa kanyang performance sa Coachella, masasabing masaya siya sa kanyang ginagawa.






error: Content is protected !!