Naging emosyonal ang aktor na si Baron Geisler sa kaniyang pagbisita sa programa na “Magandang Buhay”



Ang aktor na si Baron Geisler ay kilala sa maraming mga kontrobersya na kaniyang kinasasangkutan mula pa noon. Mula sa kaniyang kondisyon sa pag-iisip hanggang sa pagbabalik niyang muli bilang isang aktor. Sadyang napakarami na nga niyang naging karanasan sa kaniyang buhay.



Nagkaroon siya ng isang “sit-down interview” kamakailan lamang sa programa ng Kapamilya network na “Magandang Buhay”. Naging totoo at tapat naman ang aktor sa lahat ng mga bagay na kaniyang pinagdaanan at sa bagong pag-asa na mayroon na siya ngayon upang mapaunlad at mas matulungan pa ang kaniyang sarili.

Ibinahagi din ng aktor kung paanong ang pagkakataon na naibigay sa kaniya sa programang “FPJ’s: Ang Probinsiyano” ni Coco Martin ay nakapagpabago at nakatulong sa kaniya ng lubusan. Sinabi din ni Baron na hindi madali ang kaniyang problema dahil sa ito ay nangangailangan ng “conscious effort” araw-araw. Bukod sa pagpapagaling ay kailangan din niyang magtrabaho para sa kaniyang sarili at higit sa lahat ay para sa kaniyang pamilya. Tunay ngang minsan ay napakahirap talaga at kumplikado ng buhay ngunit kung mayroon kang Diyos sa iyong puso ay tiyak na walang magiging imposible.

Mas naging emosyonal lamang ang aktor ng siya ay nagpasalamat na sa kaniyang kapatid na si Donnie na hindi sumuko sa kaniya at patuloy siyang tinulungan na makabangon sa kabila ng maraming mga problema at mga pagsubok na kaniyang kinaharap.




Hindi na niya naiwasan pa na lumuha ng humingi siya ng kapatawaran sa kaniyang kapatid sa hindi niiya pakikinig at hindi niya pagbibigay ng halaga sa kaniyang mga payo. “I was living a bohemian lifestyle and I thought I was just an artist and all of that but it didn’t work out. Now, I understand what you really mean. I love you very much, man. And thank you for supporting me all throughout hanggang ngayon,’ buong pusong pagpapasalamat ng aktor sa kaniyang kapatid.




error: Content is protected !!