Nakaka-kilig na pamamasyal nina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa Bali, Indonesia



Nakaraang taon ay napabalitaan ang panliligaw ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza. Marami ang kinilig at nalungkot sa naging balita. Kinilig ang iba dahil mapapansin na bagay na bagay silang dalawa. Nalungkot naman ang iba dahil tuluyan ng mabubuwag ang ‘AlDub’. Makikita sa social media ang mga larawan ng kanilang pagsasama. May mga video pa nga na magpapakita kung gaano katamis ang kanilang pagsasama. Mayroon ding isang video kung saan ay makikitang hinahalikan ni Arjo ang balikat ni Maine habang silang dalawa ay magkatabing naka-upo.  Napabalitaan din na humarap si Arjo Atayde sa pamilya ni Maine Mendoza sa Bulacan. Ito daw ay para mapakita na malinis ang hangarin niya para kay Maine Mendoza.



Inamin na rin ni Maine Mendoza sa publiko na sila ay lumalabas na magkasama. Pero minamabuti pa rin nilang maging tahimik sa kanilang relasyon. Marami ang kinikilig sa mga larawan na ibinabahagi nila sa social media. Mga larawan na sila ay magkasama. Katulad na lamang ng pamamasyal nila sa Bali, Indonesia. Ang mga larawan na kuha nila sa Bali, Indonesia ay nabahagi sa isang online entertainment portal na ‘Fashion Pulis’. Makikita sa isang larawan ang pag-upo ni Maine sa isang malaking parang pugad ng ibon. May larawan din na magkatabing nakaupo sila.



Marami pang larawan ang kumalat sa social media at mapapansin sa mga larawang ito ang pagiging masaya nila sa bawat isa. Makikita din ang mga paglalambing ni Arjo kay Maine na magpapakita kung gaano kalalim ang kanyang pagmamahal. Sa bawat okasyon din ng dalawa ay hindi nawawala ang isa’t isa. Sa katunayan ng nagdiwang si Maine Mendoza ng kanyang kaarawan kasama ang mga fans niya, inimbitahan niya rin si Arjo. Kilig na kilig ang mga fans ni Maine Mendoza. Ang mga ipinapakita kaya nila Maine at Arjo ang magsasabing sila na? Ano sa tingin niyo? Gayon pa man, bakas sa mga ngiti nila ang kasiyahan ng kanilang pagsasama.