Pinakasalan ng lalaki na ito ang isang hologram sa Japan!



Ang pag-ibig ang isa sa pinakamakapangyarihang bagay dito sa mundo na kayang baguhin ang mga bagay na imposible. Sa popular na pelikulang “Frozen” ng Disney, ang tunay na pag-ibig ng isa sa mga bida na si Elsa ang tumunaw sa yelo na bumabalot sa katawan ng kapatid nito na si Ana. Tila napangyayari din ito sa tunay na buhay. Ang pag-ibig ay kayang tumunaw ng pinakamatigas na puso na aakalain mo na hindi na kaya pang magpatawad.



Ang tunay na pag-ibig ay nakapagtuturo sa atin na tumanggap, magpatawad, maging mabuti, at unahin ang ating minamahal bago ang ating sarili kung kaya naman talagang makapangyarihan at napakaganda ng pag-ibig. Mayroon ka ba tayong dapat maging pamantayan tungkol sa pag-ibig o sa ating pagmamahal? Mayroon ba dapat itong basehan tulad ng relihiyon, kasarian o di kaya naman ay edad?



Ang ilan sa atin ay nakabase sa pamantayan ng ating mga kaibigan, mga mahal sa buhay o di kaya naman ay sa mga relihiyon na ating kinabibilangan. Ngunit ano pa man ang ating konsepto patungkol dito ay isa lang naman ang nagiging resulta nito, ipinaglalaban natin ang taong mahal na mahal natin. Ngunit paano kung hindi pala tao ang iyong minamahal? Tulad na lamang ni Kondo mula sa Japan. Usap-usapan siya ng marami dahil sa pagpapakasal niya sa isang hologram o sa isang virtual reality.


Ang nasabing hologram ay 16 na taong gulang na at nakilala bilang si Hatsune Miku na mayroong malaking mga mata at buntot. Pinakasalan ito ni Kondo sa Tokyo Hall at gumastos siya ng halos 1 milyong piso upang maisakatuparan ang nais niyang pagdiriwang. Bagamat pinaglaanan niya ito ng malakong halaga at pinaghandaan ay hindi ito dinaluhan ng kaniyang ina at mga kamag-anak. Ngunit dinaluhan pa rin naman ito ng 40 niyang mga kaibigan. Mayroon din siyang dala na isang manika na kamukha ng hologram na si Miku na kasing laki lamang ng isang pusa.





error: Content is protected !!