Isang kasalan, lumuhod ang lalaki sa harap ng anak upang humingi ng permisong aalagaan sila



Nakaka-lungkot isipin na mayroong mga lalaki na kayang talikuran ang pagiging ama nila. Tinatakasan nila ang responsibilidad na para sa kanila. Nakaka-awang isipin man, pero dito nasusubukan ang katatagan ng isang ‘single mom’. Minsan din ay kabaliktaran naman, pagkatapos maisilang ang sanggol ng ina ay ibinibigay na lamang sa ama upang palakihin. Hindi biro maging isang ‘single parent’. Mag-isa mong palalakihin ang anak. Sila ang tumatayong ama at ina ng kanilang anak. Parehas na ginagampanan ang pagtatrabaho at pagaasikaso sa anak. Isa ring suliranin ang paghahanap ng taong makaka-sama niya. Kumbaga, mahirap na ulit magkaroon ng bagong mamahalin dahil nagka-anak na siya.



Sa ibang tao ay ‘big deal’ ang may anak na. Kaya nakaka-bilib ang ilang mga tao na kayang tumanggap ng mamahalin kahit na may anak na siya. Katulad na lamang ng lalaking ito sa isang nag-viral na larawan. Makikitang lumuhod at humihingi ng permiso sa anak ng kanyang pinakasalan na siya na ang mag-aalaga sa kanila. Makikita din sa larawan ang emosyonal na pag-iyak ng ina. Mapapansin din na naka-ngiti ang babaeng anak sa ginawa ng kanyang magiging bagong ama.

Ibinahagi ng page na The Pink Revolution ang larawan na may caption na:
“This is a rare picture. The bride is a widow with a daughter. So, the groom knelt down in front of the daughter to ask permission to take care of her and her mother. In life, sometimes we meet and end up choosing wrong people, but it does not mean we don’t have the change to meet good people.”


Ang litratong ito ay umani ng maraming reaksyon sa mga netizens at ilan sa mga komento ay ito:
“She’s a widow. She didn’t meet the wrong person, the previous love of her life d!ed…. Well wow.”

“—There are people who are willing to take responsibilities and see that as a purpose of their lives. And That purpose is to take care of his wife and love his wife’s (Responsibilities & Priorities) ?? daughter”, “Very well said”In life, sometimes we meet and end up choosing wrong people, but it does not mean we don’t have the chance to meet good people.” Pyro”, “In life, sometimes we meet and end up choosing wrong people, but it does not mean we don’t have the chance to meet good people.”





error: Content is protected !!