Ito pala ang pagsasanay na pinagdaraanan ni Matteo Guidicelli sa kaniyang pagsasanay bilang isang scout ranger!



Madalas na humahanga tayo sa mga kilalang personalidad sa industriya ng show business dahil sa pambihirang husay at galing nila sa mga napili nilang larangan, pag-arte man ito, pagsasayaw, o pagkanta. Ngunit higit pa rito ay hindi rin nawawala ang paghanga natin sa kanilang mga natatanging ugali, personalidad, at paniniwala.


Sinorpresa ng Kapamilya star na si Matteo Guidicelli ang kaniyang mga taga-hanga at taga-suporta ng siya ay pumasok sa Armed Forces of the Philippines’ Scout Ranger Training. Malayo mula sa kaniyang “boy-next-door” na image ang ginawa ni Matteo ng ito ay tumanggap ng ganito kabigat na responsibilidad. Tunay ngang hindi madali ang pinasok niya na ito ngunit mayroon siyang matinding pagmamahal sa ating bansa.




Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan ang nobya nito na ang Popstar Princess Sarah Geronimo kasama ang pamilya ng aktor sa kaniyang pagsasanay sa training camp. Ang 29 na taong gulang na si actor-singer ay nagpakalbo na para sa kaniyang pagsasanay na nagsimula na noong unang araw ng Hunyo.


Ang kaniyang mga larawan na ito ay umani ng maraming mga positibong komento at reaksyon mula sa publiko. Bukod pa rito ay mas pinagusapan din ang kaniyang mga larawan habang sumasailalim sa pagsasanay. Sa ngayon ay malapit na niyang matapos ang huling yugto ng kaniyang pagsasanay bilang scout ranger. At hindi nga naiwasan ng maraming mga netizen mamangha sa ginawang ito ng artista. Ang iba naman ay inilarawan din ito bilang isang “exhausting undertaking”.


Isang Facebook page na nagngangalang “We Support AFP” ang nagbahagi ng mga larawang ito ng aktor na nagpapakita ng pagsabak nito sa iba’t-ibang mga pagsubok na humahasa sa kaniyang bilis, katatagan, at liksi. Isa siyang inspirasyon para sa mga Pilipino na mayroong matinding pagmamahal at pagsuporta sa bansang Pilipinas. Tunay ngang marapat na unahin natin ang ating bayan kaysa sa anumang bansa o lahi bukod dito dahil tayo ay mga Pilipino.






error: Content is protected !!