Lovi Poe at rumored British boyfriend nito masayang nagbonding sa isang horse racing event sa England!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang Kapuso actress na si Lovi Poe matapos nitong magbahagi ng ilang mga larawan sa social media kasama ang kaniyang rumored British boyfriend. Noong nakaraang Hunyo 24, ay nagpost ng mga larawan ang aktres na si Lovi Poe sa isang prestihiyosong horsing event na Royal Ascot na ginanap sa Berkshire, England.


Kasama ni Lovi ang isang British movie executive producer na si Montgomery Blencowe na nakabase sa Los Angeles, California. Talaga namang umani ng maraming mga papuri, positibong komento at mga reaskyon ang larawan ni Lovi Poe na nakasuot ng puti at mahabang backless dress na mayroong blue floral prints. Ang kaniyang “date” naman na si Blencowe ay nakasuot ng gray na waist coast na tinernohan ng itim na sumbrero.




Dagdag pa ng aktres na hindi lamang siya pumunta sa nasabing event kundi mayroon din siyang ginampanan sa horse racing event. Nagbahagi din naman siya ng isang larawan na tila isang “ticket” sa nasabing racing event kung saan mapapansin ang nasa halagang £50 o katumbas ng P3,270 na halaga na itinaya niya sa kabayo na may pangalan na “Pinatubo”.


Nalilink ngayon ang anak ni Fernando Poe Junior sa nasabing Briton na madalas niyang nakakasama sa mga larawan na ibinabahagi niya sa social media lalo na noong nagbakasyon siya sa Estados Unidos. Una nang napansin ng mga netizen si Blencowe kasama ang aktress noong Enero ng magpost si Lovi habang kasama siya at ang kanilang mga kaibigan sa Los Angeles. Sinundan din naman ito ng larawan nila sa isang high-class restaurant sa Las Vegas noong buwan ng Pebrero.


Ikinatuwa din naman ito ng maraming mga kaibigan ng aktres sa industriya. Binati nila ang aktres sa umuusbong nitong buhay pag-ibig at sa kaligayahan nito ngayon kasama ang kaniyang rumored boyfriend. Tunay ngang ang pag-ibig ay nagdudulot ng ligaya at kasiyahan sa mga taong nakakatagpo nito.






error: Content is protected !!