Unang public appearance ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera matapos nitong manganak, kinasabikan at hinangaan ng publiko!



Tunay nga na hindi natin maikakaila na maraming mga magaganda at mga gwapong personalidad sa industriya ng show business. Marami tayong mga hinangaan na aktor at aktres sa panahon ngayon na talaga namang nagsisilbing inspirasyon sa marami sa atin. Marahil ay hinangaan natin sila dahil sa kanilang husay at galing sa pag-arte, sa pagsayaw, o sa pagkanta ngunit higit sa lahat ay sa kanilang personalidad bilang isang ina, ama, anak, kasintahan o kaibigan sa ibang tao.


Hindi biro ang pagdadalang-tao at ang panganganak, tiyak na maraming kababaihan ang magpapatotoo rito. Isa itong napakalaking biyaya sa Diyos na talaga namang ipinagpapasalamat ng marami sa atin. Ngunit isa ring pagsubok at mabigat na responsibilidad. Kadalasan nga ay tila napapabayaan na rin ng mga ina ang kanilang sarili dahil bukod sa pag-aalaga ng kanilang supling ay inaasikaso rin nila ang pang-araw-araw na gawaing bahay at ang pagiging asawa sa kanilang mga mister.




Tila ba wala nang panahon pa para paglaanan ng oras at panahon ang kanilang sarili lalo na ang kanilang pangangatawan. Hindi na nakapagtataka na maraming mga ilaw ng tahanan ang hindi na naaalagaan ang kanilang sariling katawan. Kung kaya naman marami ang nagkaroon ng matinding inspirasyon sa Kapuso actress at Primetime Queen na si Marian Rivera.


Abril 16 nang siya ay nanganak sa ikalawa nilang supling ng batikang aktor at host na si Dingdong Dantes. Kahit pa nga nung buntis pa lamang siya ay labis nang hinahangaan ang kaniyang kakaibang kagandahan. At ngayon na ilang buwan na ang nakalilipas ay hindi pa rin makapaniwala ang marami sa kaniyang mga tagahanga at taga-suporta sa kaniyang mabilis na transpormasyon at pagbabawas ng timbang.



Kamakailan lamang, Hunyo 25 ay namataan ang 34 na taong gulang na aktres sa SM Megamall kung saan siya ay pumirma ng kontrata sa “Kultura Philippines”. Talaga nga namang hindi mapapantayan ang “glow” at kagandahan niya bilang isang artista at isang mommy na inspirasyon ng maraming mga Pilipino.




error: Content is protected !!