Isang sikat na modelo, “iPad” ang souvenir para sa kaniyang mga bisita sa kaniyang kasal!



Ang araw ng kasal ng isang tao ang isa sa pinaka hindi malilimutang pangyayari sa kaniyang buhay at maging ng kaniyang mga mahal sa buhay. Kahit pa bata pa lamang ay tiyak na pinapangarap na ng marami ang enggrandeng kasalan o di kaya naman ay simpleng kasalan na kasama ang mga malalapit na kaibigan at mahal sa buhay. Kung kaya naman ilang tao o ilang buwan ang inilalaan ng mga magkasintahan para maisakatuparan ang pangarap nilang kasal.



Sa espesyal na araw na ito, naglalaan ng malaking halaga ang mga magiging mag-asawa upang maging napakaganda at hindi malilimutan ng araw na ito. Ngunit gaano nga ba na halaga ang dapat inilaan sa kasalan na ito? Kamakailan lamang ay ginulat ng isang Brazilian model ang publiko dahil sa kaniyang “wedding budget” na tila sukdulan na talaga kung tutuusin. Ngunit ganun na lamang siguro kaespesyal ang araw na iyon at ang kaniyang mga bisita.

Ang nasabing modelo ay nakilala bilang si Janaina Cardoso at ang kaniyang groom na si Imran Hussain at umabot lang naman sa P97 milyon ang halaga ng kanilang kasal. Ang kanilang kasal ay idinaos sa kaisa-isang “seven-star hotel” sa buong mundo ang Burk Al-Arab na matatagpuan sa Dubai. Tila isang “fairytale” ang kanilang naging kasalan. Nais ng bride ang “white dream theme” at para maisakatuparan ito ay humango pa sila ng mga sariwang bulaklak mula sa Holland. Mula sa pader at kisame ng venue ay talaga namang namumutiktik ito sa sariwa at magagandang mga bulaklak.



Isang magarbong wedding dress na idinisenyo ni Elie Saab ang isinuot ng bride at mayroon itong “3-meter long train”. Ang mga bridesmaids ay nagsuot ng lika ni Zuhair Murad habang ang mga groomsmen naman ay talaga namang matitipuno sa kanilang Tom Ford suits. Aakalain mo bang brand new iPad lang naman ang wedding souvenirs nina Janaina at Imran sa kanilang mga bisita? Nasa 120 lahat ng mga wedding souvenirs na kanilan inilaan para sa kanilang mga bisita. Nasa likuran naman ng mga iPad na ito ang pangalan ng bride at groom at ang kanilang wedding date.




error: Content is protected !!