OFW na nalaglagan ng pera labis ang pasasalamat sa pasahero at jeeney driver na nagsoli nito sa kaniya!



Sa panahon natin ngayon, sadyang napakarami nang naging pagbabago magmula sa teknolohiya, mga pagkain, o di kaya naman ay sa mga nakasanayang kaugalian ng marami sa atin. Ngunit ang hindi mababago ng panahon ay ang pagmamahal at pagmamalasakit ng maraming mga Pilipino hindi lamang sa ating bansa na Pilipinas ngunit pati na rin sa maraming mga Pilipino sa loob man o sa labas ng ating bansa.


Hindi lamang kilala ang ating lahi sa pagiging talentado, pagiging magiliw sa mga bisita, o di kaya naman ay labis na pagmamahal at pagkalinga sa mga mahal natin sa buhay dahil kilala rin tayo na matulungin at mabuting mga tao. Kung kaya naman hindi na nakapagtatak na madalas tayong makabalita ng mga ganitong uri ng mga balita sa radyo man o sa telebisyon.



Isa na marahil ang ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Loida Braunstein sa kanyang social media account nang isinalarawan niya rito ang kabutihang-loob na ginawa ng isang pasahero na kinilala bilang si Mr. Edwil Agyapas at ang jeepney driver ng sinasakyan niya na si Jimmer Antos Denson na taga-Tublay sa isang Overseas Filipino Worker o OFW na hindi sinasadya na nakalaglag ng limpak-limpak na pera sa sinasakyan nitong jeep.

Ayon sa viral post natagpuan ni Agyapas ang nalaglag na bundle ng pera na may currency na U.S. dollar sa loob ng jeepney driver na si Denson. Agad naman niya itong sinabi sa driver at pareho nga nilang ginawa ang tama at nararapat na gawin. Sinasabi na ang pera ay nagkakahalaga sa higit kumulang na Php422,000. Ayon pa sa kanila ni minsan hindi sumagi sa kanilang isipan na pagka-interesan ang malaking halaga ng salapi kung kaya naman agad na isinurender nila ito sa Tublay Municipal Police Station.



Ayon sa pa sa matapat at huwaran na pasahero, hindi ito ang unang pagkakataon na siya ay nagsauli ng nawawalang pera. Naging natural na sa kanya na ibalik ang pera sa kinauukulan dahil hindi naman niya ito pinaghirapan, hindi ito sa kanya at alam na alam niya ang pakiramdam na mawalan ng pinaghirapang pera. Marami ang humanga at pumuri sa ginawang ito ng dalawa na talaga namang huwaran sa napakaraming mga tao lalo na sa mga kabataang Pilipino.




error: Content is protected !!