Unang beses nakita ng marami ang sikat na dyip ng Pilipinas na pumarada sa kalsada ng New York City!



Tayong mga Pilipino ay kilala sa ating pagmamahal sa ating bayan. Hindi maikakaila ang katotohanan na ito lalo na sa napakaraming patotoo nito sa ating kasaysayan. Marami mang pinagdaanan ang ating bayan ay mayroon pa ring mga bayani na nagbuwis ng kanilang mga buhay upang makamtan na natin ang tinatamasa natin na kalayaan at kapayaan.


Bukod pa rito at kilala rin tayo sa mga magagandang mga tanawin, mga masasarap na pagkain at kakanin, at mga hayop o halaman na dito lamang sa atin matatagpuan. Ngunit higit pa rito ay ang hinahangaan ng maraming mga dayuhan na uri ng ating transportasyon, ang ating mga dyip! Talaga namang sa kakalsadahan lamang ng Pilipinas makakatagpo ng ganitong sasakyan. Kung kaya naman marami nga ang namangha at natuwa nang makita ng maraming mga tao ang ipinagmamalaki ng ating bansa na Sarao jeepney sa kalsada ng New York City!




Ang “Hari ng Kalsada” ng Pinas ay bumisita nga at pumarada sa NYC. Ang kulay asul at dilaw na stainless steel jeep na ito ay nakita nga sa isang kalsada sa Big Apple at ito ay dahil sa kilalang personalidad na si Apl.de.ap ng Black Eyed Peas para sa annual Filipino commemoration ng Independence Day sa New York.

Hindi ito nasakyan ng sikat na mang-aawit sa nakaraang Independence Day Parade dahil siya ay nakasakay sa hiwalay na float habang iwinawagayway nito ang bandila ng Pilipinas. Sa kabila nito ay nagbahagi siya ng ilang larawan sa social media kasama ang caption na: “My The Philippines It’s More Fun in the Philippines jeepney is finally done and making its debut in the Independence day parade in New York!!! Thank you to everyone for making this happen.”



Ang nasabing dyip ay mayroong slogan na “It’s More Fun in the Philippines” dahil na rin sa collaboration ni Apl sa Tourism Promotion Board para sa isang proyekto. Marami ang mga nagtaka na dayuhan kung bakit mayroong dyip sa kalsada ng NYC ngunit marami din namang mga Pilipino ang nagalak at nasiyahan sa ginawang ito ng sikat na mang-aawit sa pagpapakilala at pagpapahalaga nito sa bansang Pilipinas sa maraming mga dayuhan at maging sa buong mundo.




error: Content is protected !!