Ipinaalam na sa publiko ang kasarian ng ikalawang anak nila Robin Padilla at Mariel Rodriguez



Isang biyaya ang magkaroon ng anak. Ito ay bunga ng pagmamahalan ng dalawang tao. Ito rin ang nagiging dahilan ng kanilang pagsisikap upang mapagtibay ang pamilya. Para sa mga ina, hindi biro ang ginagawang sakripisyo nila sa pagdadalang tao ng siyam na buwan. Para sa mga tatay naman, sobrang kaba at pagkasabik ang nararamdaman at tila ba naiinip palagi sa paglabas ng kanilang anak.



Kapag napag-alaman na buntis ang asawa, karaniwan ay humihiling tayo sa kasarian ng anak. Para sa mga ama, mas gusto nila na ang magiging anak nila ay lalaki upang madala ang apelyido ng pamilya. Para sa mga ina naman ay kagustuhan nilang babae para naayusan nila at napapaganda nila. Pero madalas na hinihiling ay maging malusog at ligtas ang isisilang na sanggol. Katulad na lamang ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla na ibinahagi ang kasarian ng kanilang ikalawang anak.


Makikita sa Youtube Channel ni Mariel ang kaganapang ito na dinaluhan ng mga mahal nila sa buhay, mga kapusong artista, at mga kasama sa industriya. Mapapansin din sa video ang ilan sa mga kilalang artista na sina: Vice Ganda, Mitoy, K Brosas, Kyla, Ogie Alcasid, Rey Valera, Jugs, Teddie, Jhong Hilario, Karylle, Vhong Navarro, Ryan Bang, Anne Curtis, Mitoy, K Brosas, Kyla, Ogie Alcasid, Rey Valera, Jugs, Teddie, Jhong Hilario, Karylle, Vhong Navarro, Ryan Bang, Anne Curtis, Nyoy Volante, Zsa zsa Padilla, Nadia Montenegro, Kylie Padilla, Maxene Magalona, Alex Gonzaga, Jed Madela, Dulce.


Si Mariel mismo ang nag-asikaso ng buong event ng kanilang ‘Gender Reveal’ ng kanilang ikalawang anak. Kung tatanungin silang mag-asawa kung anong kasarian ang gusto nila sa ikalawang bata, marahil ay lalaki ang gusto nila. Dahil ang unang anak nila ay babae na ang pangalan ay Isabella.

At ng dumating ang oras na pinaka-hihintay, napag-alaman na babae ang magiging pangalawang anak nila. Binati silang lahat ng mga bisita pati na rin ng mga netizens sa kanilang pangalawang babaeng anak.






error: Content is protected !!