Categories: NewsShowbizViral

Ipinagmalaki ni Marian Rivera ang “Breastfeeding” sa kanyang anak na sinuportahan ng ilang kilalang mga artista

Ang pagiging ina ay isang karangalan! Pero hindi basta-basta ang ginagawang sakripisyo ng isang ina simula pa lamang ng nasa loob pa ng sinapupunan ang sanggol mula sa pagsilang nito. Lahat tayo ay utang lahat ng buhay sa ating mga magulang lalong-lalo na sa ating mga ina. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi tayo nabubuhay sa mundong ito. Kahit na mahirap ay kinakaya dahil mahal tayo ng ating mga magulang. Sa katunayan ay may mga ina na nagbabago ang pisikal na anyo dahil sa pagbubuntis.


Pero isang ina ang masasabi nating kahit na may dalawang anak na, ang ganda pa rin niya! Kahit na may Zia at Ziggy na si Marian, hindi mo maiisip na isa siyang babaeng may dalawang anak. Kilalang-kilala ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pagkakaroon ng napaka-gandang pamilya. Napag-alaman na todo asikaso ni Mommy Marian sa kanyang dalawang anak. Sa kasalukuyan ay patuloy ang “Breastfeeding” niya sa kanyang bunsong si Ziggy na kanyang ipinagmamalaki.


Sa isang post sa Instagram, ibinahagi niya ang kanyang karanasan bilang ina ng dalawang bata. Sa panimula ng kanyang post, sinabi ni Marian na “Kaya mo YAN!” at may emoticons na may puso ang mga mata.

Ayon sa sa post ni Marian:
”Being mom of two beautiful kids sounds overwhelming at first, but needed to put up with my positive outlook and told myself “Kaya mo Yan!”. If kinaya ko, kayang kaya nyo din! Breastfeeding is life saving and has lots of benefits for the baby, mom, entire family and the environment too,”


Idinagdag pa niya:
“Ngayon na dalawa na sila, I want to make sure I spend quality time with them not only with my bunso but with ate Zia and my husband so I started to express and build my milk stash para naman kahit wala ako I can still provide breastmilk kay ziggy. Kaya proud akong sabihin na Padede mom ako! Ano mang kapalit sa physical— all worthy. Mahalaga lumaki silang matalino, malusog at mapagmahal na mga anak,”

Ang kanyang post ay sinang-ayunan at kinomentohan ng mga kilalang celebrity moms katulad nila Mariel Padilla, Nadine Samonte at Rita Avila. Ang kanyang post ay patunay lamang na masaya si Marian sa pagiging ina niya kina Zia at Ziggy. Hindi niya ikinahihiya na padede mom siya sa kanyang anak na si Ziggy!

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago