Isang bagong bukas na mall sa Bataan hinangaan ng marami dahil sa mukhang mall talaga ang ganda at linis nito!



Sa Pilipinas, halos lahat ng pangpublikong pamilihan ay dugyot, basa, o di kaya naman ay sadyang marumi talaga. Ganito na talaga ang inaasahan ng marami dahil sa ang pangpublikonh pamilihan ay pinopondohan ng pangpublikong pondo, karamihan din naman sa mga proyekto ng pamahalaan ay hindi pinapayagan na paglaanan ng labis na halaga ng salapi upang maging napakaganda ng mga pamilihan na ito.


Ngunit ang isang pamilihan sa Bataan ay naging viral kamakailan lamang ay tila ba isang mall na sa ganda at linis nito. Aakalain mo pa nga na isang grocery store sa isang sikat na mall ang pamilihang bayan na ito. Mayroon pa itong mga tiles at mayroon ding magandang kisame.




Isang Mark Anthony Muico Millare ang nagbahagi ng mga larawan ng bagong pamilihan na ito sa Limay, Bataan. Nagbiro pa ang netizen na ang nasabing pamilihan ay tinatawag ding Limay Public Market (Mall). Ang napakagandang pangpublikong pamilihan na ito ay binuksan niinv Hunyo 26, 2019. Ayon pa kay Millare, ang bagong gawa na pangpublikong pamilihan na ito ay matatagpuan sa tabi ng lumang pamilihan. Ang nasabing bagong tayong pamilihan ay isang tennis court pala noon.

Sa comments section nilinaw ng ni Millare na ang lumang pangpublikong pamilihan ay gagamitin pa rin para maging wet market habang ang bagong bukas na pamilihan ay para naman sa mga dry goods. Ang ikalawang palapag ng nasabing pamilihan ay magsisilbi namang canteen. Talaga namang kamangha-mangha ang bagong tayo na pamilihang ito. Di mo aakalain na maaari din pala tayong magkaroon ng maganda at malinis na mga pamilihan sa ating bansa. Marami din namang mga netizen ang hindi napigilang mamangha sa pamilihan na ito. Inaasahan din naman ng marami na mapapanatili ng mga tao roon ang kalinisan at ganda ng kanilang bagong tayo na pamilihan.



Dahil na rin sa pangalan ng pamilihan na ito, ang pangpublikong pamilihan ay buong taon bukas na naglalayong magbigay ng mas komportable at kombinyenteng paraan ng pamimili lalo na ng mga isda, karne, itlog, gulay, prutas, at maging ilang mga tuyo na paninda gaya na lamang ng damit at mga gamit pang-bahay.




error: Content is protected !!