Nalungkot ang guro na ito ng malaman ang sagot ng kaniyang estudyante sa kaniyang takdang aralin na magdala ng “family picture”!v



Isang guro ang nagbigay ng takdang-aralin sa kaniyang mga mag-aaral na magdala ng kanilang family picture sa klase ngunit talaga namang ikinabigla ng guro ang naging sagot ng kaniyang estudyante rito. Kalaunan namang ibinahagi ng guro ang kwento na ito ng estudyante sa kaniyang social media account na agad din namang naging viral. Umani ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa mga netizens na patuloy na binibigyang pag-asa ang nasabing guro. Ang guro na si Arnold Legara Cuevas ang nagpagawa ng takdang-aralin sa kaniyang klase sa T. Award Echevarria Elementary School sa Barangay Mandug, Buhangin, Davao City na magdala ng kani-kanilang family picture. Sa paaralan, ang mga estudyante ay sinabihan na magsulat ng essay tungkol sa kanilang pamilya.




Maaaring simpleng takdang-aralin lamang ito sa maraming mga mag-aaral ngunit ito ay nakakapanlumo at nakakalungkot na gawain para kay Rheann Khinn Cabahog na nawalan ng kaniyang mga mahal sa buhay sa isang sunog noong Marso 12, 2019. Ito ang naging pahayag ng bata sa kaniyang essay: “Ang aking pamilya noon ay saya-saya naming nagsisimba kami. Kumakain sa labas. Pero dumating ang araw na bigla akong lumongkot kasi ang Mama at Papa ko ay kinuha ni God. Pati mga kapatid ko iniwan na nila akong nag-iisa. Super lungkot ng buhay ko.”


Napag-alaman ng guro na habang si Rheann ay nasa Davao City kasama ang kaniyang lola ang kaniyang mga magulang naman at mga kapatid ay naninirahan sa Isabela. Noong nakaraang Marso ay sinubukan ng kaniyang ama na ilipat si Rheann sa Isabela ngunit hindi ito sinang-ayunan ng kaniyang class adviser na si Josephine Echavez Sumarago, ayon sa guro ay mas makakabuti sa bata na matapos muna ang school year na ito bago siya ilipat ng paaralan. Ngunit sadyang nakakalungkot lamang na wala na ngayon ang kaniyang pamilya dahil ilang araw matapos nito ay nasunugan na nga sila at nakasamang matupok ang kaniyang mga magulang at mga kapatid.





error: Content is protected !!