Napalitang Mayor ng Cebu, kinuha lahat ng kagamitan sa kanyang dating opisina pati inidoro, tiles, atbp



Sabi ng ibang tao, ang tumakbo at magnais ng mataas na pwesto sa gobyerno ay isang sugal. Pinaglalaanan ng malaking pera sa kampanya at hindi naman ito napapalitan pag nanalo na. Pero mas masakit kapag ikaw ay natalo, tila ba parang nasayang lahat ang pinaghirapan at nagastang pera. Pagkatapos matalo sa nakaraang halalan, ang dating Mayor ng Cebu City na si Tomas Osmeña ay papalitan na ng bagong halal na mayor na si Edgar Labella. Dahil dito kinakailangan linisin muli ang opisina ng Mayor at tanggalin ang mga gamit ng dating Mayor. Pero ang dating Mayor Labella ay tinangay lahat ng pinaayos niya kabilang na dito ang mga tiles, inidoro, kisame, at mga dividers.



Makikita sa ibinahaging litrato sa social media noong ika-28 ng Hunyo taong 2019 na nagmistulang abandonadong lugar ang opisina ng Mayor. Sa palibot ng lugar ay makikita ang mga binakbak na tiles at mga konkretong pader. May mga taong nagsasabi na sana ay di na binakbak o tinanggal ang mga tiles dahil hindi na rin mapapakinabangan muli ito dahil basag-basag na.


Grabe ba ang dating Mayor? Ayon sa dating City Administrator na si Bimbo Fernandez, may karapatan ang Mayor na kunin lahat ng mga gamit niya kasama na rin ang mga ipinagawa niya dahil pera niya ang ginamit upang maayos ang opisina. Ang renovation ng kanyang opisina ay nagawa noong na-halal siyang Mayor noong 2016. Sa katunayan pa ay nag-request si Mayor Osmeña dati ng budget para sa renovation ng kanyang opisina pero ito ay tinanggihan.



Sa kabilang banda ay ikinagulat ni Mayor Labella ang ginawa ng dating Mayor. Sa ngayon ay kinakailangan niya munang manatili sa ibang opisina habang ginagawa ang Mayor’s Office. Inilarawan pa ni Mayor Labella ang kanyang opisina na “a microcosm of the way someone had left an entire city in shambles”.




error: Content is protected !!