Isang mag-asawa ang nakapulot ng isang lata na nababalot ng putik at talaga namang ikinagulat nila ang laman nito!



Isa ka rin ba sa mga bata noon na naglalaro ng lupa sa labas ng inyong bakuran at nagpapanggap na ikaw ay nakahukay ng isang kayamanan? Marahil ay napapanuod natin ito sa mga telebisyon o di kaya naman ay nababasa natin sa ating mga libro kung kaya naman hindi na nakapagtataka na maraming mga bata ang gumagawa nito.


Sino nga ba naman ang hindi masisiyahan kung ikaw ay makakakita o makakapaghukay ng isang napakahalagang bagay na nakatago sa ilalim ng lupa. Kahit sa mga panahon ngayon ay marami pa ding mga tao o eksperto na patuloy pa ring naghuhukay at nag-aaral ng maraming mga bagay patungkol sa ating planeta at sa ating kasaysayan.




Ngunit kamakailan lamang ay nagkaroon ng kakaibang karanasan ang mag-asawa na ito habang pinapasyal nila ang kanilang alagang aso. Sila ay nasa Sierra Nevada noon nang kanilang matagpuan ang sagot sa kanilang mga dalangin. Laking gulat nila ng mayroong matagpuan ang kanilang alagang aso na isang lata na nababalot ng lupa at putik. Labis silang nabigla ng makita nila na punong-puno ng ginto na barya ang loob nito na nasa bakuran lamang pala ng kanilang bahay.


Ang inakala nilang mga simpleng disc ay hindi lamang simpleng bilog lamang dahil ito pala ay mga napreserbang gintong barya na ibinaon sa lupa. Nang hugasan at linisin nila ang mga ito ay nasa maayos pa itong kundisyon at makikita pa ang disenyo nito na liberty heads. Ang kanilang nalikom ay nasa 1,427 na mga gintong barya. Bawat piraso ng gintong barya na ito ay isiniksik sa kalawanging lata. Ito ay itinuturing din na pinakamalaking halaga ng mga gintong barya na nahukay sa Amerika.



An mag-asawa ay nagdesisyon na ilihim ang kanilang pagkakakilanlan para na rin sa kanilang ikatatahimik at kaligtasan. Nagpatulong ang mag-asawa sa isang coin dealer na nagngangalang Don Kagin upang maibenta ang mga gintong barya na ito. Ang pera na napagbentahan ng mga gintong barya ay ibinayad sa kanilang mga utang, itinulong sa mga local charities, at sa pagpapagawa ng Old Mint bilang isang Museo.




error: Content is protected !!