Sampung pagkain na nakakapagpahaba ng buhay ng tao



Ang kalusugan ay kayamanan na dapat lamang pangalagaan. Kaya habang maaga pa, ingatan at huwag baliwalain. Mas masaya kung marami tayong panahon upang makasama ang ating mga mahal sa buhay at magawa ang mga bagay na gusto natin. Isa ang pagkain sa nagiging dahilan ng ating kalusugan. Minsan ang mga hindi magagandang pagkain ang nagiging dahilan ng ilang karamdaman. Katulad na lamang ng pagkain ng mga ‘junkfoods’, mga pagkaing may preservatives, softdrinks, at marami pang iba. Pero kung nais humaba ang buhay, mas mainam kung kakainin ang mga pagkaing ito. Ang 10 pagkaing ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pangangatawan at nakaka-tulong upang mapigilan ang pagkakaroon ng karamdaman.

1. Walnuts




Ang walnuts ay may mga elementong taglay na mainam sa ating kalusugan at utak. Nasusuportahan din niya ang nervous system ng katawan. Ugaliing kumain ng wallnuts araw-araw upang maramdaman ang mabisang dulot nito sa utak at nervous system.

2. Lemons



Ang Lemon ang isa sa mga prutas na mayaman sa bitaminang C. Nagtataglay din ito ng flavonoids na nakakapag-pababa ng cañcer cells sa katawan. Napipigilan din nito ang pagkakaroon ng sipon.

3. Broccoli



Ang pagkain ng Broccoli ay mabisa kung hindi lutong-luto. Mas mainam kung ‘steam’ lang ang pagkakaluto nito upang makuha ng mabuti ang sustansya. Mayaman ang broccoli sa bitamina K na mabisa na pampalakas ng buto at immune system.

4. Beans




Ang pagkain ng beans ay parang pagkain din ng karne. Dahil nakakapag-bigay ito ng protina sa katawan upang mapalakas. Mayroon ding fiber na makukuha sa pagkain ng beans na mabuti sa pagtunaw ng kinain.

5. Dark Chocolate


Chocolate lover ka ba? Para maka-iwas diabetes, ugaliin na lang kumain ng Dark Chocolate. Ang purong chocolate ay nakakapag bigay ng sigla at lakas lalo na kung mayroong cocoa flavonoids. Medyo mapait man ang lasa, pero siguradong mainam sa pangangatawan.

6. Kamatis




Ang Kamatis ay isang gulay na mainam sa pangangatawan. Nasasabing ito ay mabisa upang labanan ang mga cañcer cells at nakakapgbigay dami sa ting dugo. Ugaliing isangkap ito sa mga niluluto at kainin. Dapat ay sa isang linggo ay makakain ng kahit isa o dalawang kamatis.

7. Salmon


Ang Salmon ang isa sa mga karne ng isda na ubod ng sustansya. Mayaman ang salmon sa protina at nakakapagbigay din ng healthy fats sa ating katawan.

8. Avocado


Ang avocado ay ang prutas na may pinaka-maraming sustansyang makukuha. Mayaman ito sa bitamina at mineral na kayang palusugin ang katawan. May kakayahan din itong mapaganda ang blood pressure ng katawan upang maka-iwas sa sakit sa puso.

9. Garlic


Ang bawang ang isa sa mga mabisang pampababa ng presyon ng katawan. Bukod pa dito ay maraming naitutulong ang bawang upang mapagaling ang karamdaman. Nagagawa nitong tanggalin ang mga masasamang elemento sa katawan na nagdudulot ng sakit. Pinapaganda din nito ang immune system.

10. Berries


Isa sa mga masasarap na prutas at matatamis ay ang mga berries. Mas nakukuha ang sustansya ng berries kung bagong pitas ito. Mayaman ito sa bitamina at mineral na mabuti sa katawan.




error: Content is protected !!