Siya pala ang panganay na anak ni Angel Aquino na si Iana Bernardez, na aakalain mong kakambal lamang ng kaniyang ina!



Si Angel Aquino ay isa sa mga pinakamagagandang mukha sa industriya ng show business. Siya ay kilala rin bilang si Angelita Velasquez-Aquino na ipinanganak noong ika-7 ng Pebrero 1973. Siya ay nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Journalism sa University of the Philippines sa Baguio. Siya ay nakilala muna bilang isang modelo, at host bago siya nadiskubre at hinangaan sa kaniyang pag-arte sa telebisyon at mga pelikula.


Sa ngayon ay kabilang siya sa popular na programa ng ABS-CBN tuwing gabi ang “FPJ’s: Ang Probinsiyano”. Nagkaroon din siya ng pelikula kasama ang aktor na si Tony Labrusca na pinamagatang “Glorious” na talaga namang naging usap-usapan ng publiko dahil sa napakahusay nilang pagganap sa kanilang mga karakter. Hindi batid ng marami na ang isang Angel Aquino ay mayroon nang dalawang mga anak, sina Iana at Thea Bernardez.




Si Iana Bernardez ang panganay na anak ng aktres na talaga namang kamukha-kamukha niya. Talaga namang mapagkakamalan silang magkapatid o magkakambal lamang lalo na kung ngingiti silang dalawa. Ipinakilala ni Angel si Iana sa publiko taong 2016 nang siya ay maging bisita sa “Magandang Buhay” ng ABS-CBN. Dito ay isinalarawan ang mga hamon at pagsubok na dumating s kaniyang buhay kung saan natutunan niya na ang pagmamahal ng isang ina ay wala talagang kapantay.


Ang 25 taong gulang na dalaga ay handang handa nang pumasok sa industriyang kinabibilangan ng kaniyang ina. Maging sa mga pagsubok na kaniyang makakaharap ay handang-handa na rin siya. Ngunit bago pa man ito ay sinigurado na niya muna na nakapagtapos na siya ng pag-aaral. At siya nga ay nagtapos ng kursong Psychology sa Ateneo De Manila University. Bukod pa rito ay mahilig rin si Iana sa adventures, surfing, at sa mountain climbing na parehong hilig nilang mag-ina.



Tunay ngang sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Angel Aquino sa kaniyang buhay at sa kaniyang pagiging ina ay nasuklian ito ng napakagandang biyaya dahil sa kaniyang mga anak at sa kaniyang pamilya.




error: Content is protected !!