‘Bamboo Straw’ ang gamitin upang mabawasan ang dulot na polusyon ng mga plastik straw sa kalikasan



Kadalasan sa mga bumibili ng softdrinks sa mga sari-sari stores ay pinapa-plastik at iniinom sa pamamagitan ng mga plastik na straw. Nakaka-lungkot lang isipin na may mga ibang tao na pagkatapos maubos ang softdrinks ay basta basta na lang tinatapon kung saan-saan ang plastik. Ginagawang basurahan ang kalsada kahit na alam naman ang dulot nitong polusyon sa kalikasan. Kahit na alam na hindi ito natutunaw at bumabara lamang at nagdudulot din ng pagbaha.


Pero hindi pa huli ang lahat! Ang importante ay magsimula na ngayon sa pagbabago. Katulad na lamang ng Probinsya ng Misamis Occidental na nagsimula na pagkakaroon ng ecological-friendly na komunidad sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga reusable na “Bamboo Straws” na makakatulong upang hindi na muling gumamit ng plastik na straw na dumadagdag sa polusyon sa bansa. Sa isang post sa Facebook ni Jaylo Estoque, ibinahagi niya ang pagbebenta ng bamboo straws sa halagang sampung piso sa Misamis Occidental Enterprise Development and Research Center sa Oroquieta City na nakaka-tulong din sa tribo ng Subanen na gumagawa nito.




Ayon sa post:
“The Famous Bamboo Straw, a product from Concepcion, Misamis Occidental is now available at Misamis Occidental Enterprise Development and Research Center (MOEDRC) Pasalubong Center, Pines Oroquieta City. For only 10 Pesos” Ang Mismamis Occidental ay nagtataglay ng maraming Bamboo Plants kaya na-isipan ang ganitong layunin. Ayon pa sa mga netizens na nagbahagi ng post, malaking tulong ito sa mga gumagawa ng bamboo straw.

Ayon kay Jaylo Estoque:
“Kasi bandang bundok na ang area nila at marami rin ang bamboo sa kanila. Para dagdag income na rin sa mga indigenous people,” Nagumpisa ang pag-iisip ng pagbenta ng bamboo straw ng binisita nila ang probinsya ng Bukidnon. Sa lugar ay nakita nila na may nagbebenta ng bamboo straws at dito nagkaroon ng idea si Jaylo Estoque.



Ito ang sinabi ni Jaylo Estoque:
“Nagpunta po kami sa Bukidon. Nakita namin na may tindahan doon na nagbebenta ng bamboo straws. Nagka-idea kami since marami namang bamboo ang Misamis Occidental, why not copy them, nakakatulong pa kami sa nature,” Isa itong magandang paraan upang mabawasan ang pagdami ng polusyon sa bansa. Kung hilig ang uminom ng gumagamit ng straw, bumili ng ‘Bamboo Straw’, nakatulong ka na sa mga gumawa nito, nakatulong ka pa sa kalikasan!




error: Content is protected !!