Isang napakagandang larawan ng isang babae na mayroong “messy bedroom background” pinagkakaguluhan ngayon ng publiko!



Isang babae ang tila naghahanda para sa isang prom ang naging usap-usapan ngayon sa social media hindi dahil sa angkin niyang kagandahan kung hindi dahil sa napakakalat niyang paligid noong siya ay kumukuha ng kaniyang larawan. Talaga namang mabibighani ka sa ganda at alindog ng babae na ito ngunit hindi mo din naman maiiwasan na kumunot ang iyong noo at magtaka kung paanong napakaganda ng kaniyang panglabas na kaanyuan ngunit ang kaniyang kapaligiran ay tila walang kaayusan man lamang. Ang larawan na kaniyang ibinahagi sa Twitter ay nikagyan niya ng caption na “Going to dinner because I needed an excuse to wear this.” Mayroong ilang mga netizens na nagkomento na lamang ng mga magagandang bagay patungkol sa pagkuha ng larawan ng babae. Mayroong isang netizen na nagsabi na mas maganda sana ang itim na sapatos na nasa mga kalat niya sa sahig kaysa ang sapatos na kaniyang itinerno dito.




Ngunit kung marami ang hangang-hanga sa angking kagandahan ng babae na ito, marami din naman ang nadismaya sa grabeng kalat nito sa kaniyang paligid. Kung kaya naman umani ito ng samu’t-saring mga komento mula sa mga netizens. Mayroon ding nagnais na i-photoshop na lamang ang larawan ng babae at ilagay ito sa mas malinis na kwarto. Ngunit kung tutuusin ay hindi rin naman magiging viral ang larawan na ito kung hindi ganoon karumi at kadugyot ang paligid ng babae na kumuha ng kaniyang sariling larawan.


Ano man ang naging dahilan ng babae na ito sa larawan, dapat natin isa-isip na ang kalinisan ay hindi dapat maging obligasyon lamang kundi isang natural na gawain ng marami sa atin kahit babae ka man o lalaki. Ito ay hindi isang responsibilidad ng mga kababaihan lamang ngunit ng lahat ng tao na nagpapakaligaya at nagpapakasasa sa lahat ng mga biyaya na nakukuha natin sa ating paligid, maging sa tao man ito nanggaling, sa mga halaman, sa mga hayop, o maging sa ating kalikasan.





error: Content is protected !!