Likhang ‘3D art’ na yari sa karton, isang libangan at pinagkaka-kitaan ng isang estudyante



Ang kabataan ngayon ay nahihilig na sa pagbabad sa paglalaro sa mga online games at pag-iinternet! Kung dati ay mahilig ang kabataan sa paglalaro sa labas ng bahay katulad ng mga larong ‘jolens’, ‘teks’, ‘sipa’, ‘trumpo’, atbp. Ngayon ay nagkukulong sa bahay upang tutukan ang gadgets o kompyuter. Minsan pa ay nagdudulot ito ng katamaran ng isang bata upang tumulong sa gawaing bahay at gumawa ng bagay na kapaki-pakinabang.


Pero mayroon pa ring iba na nagagawang kapaki-pakinabang ang kanilang oras. Katulad na lamang ng isang estudyante na pinagkaka-kitaan niya ang kanyang mga likhang mga pigura mula sa mga kartong panapon na. Ang pagiging malikhain ni Sebastian Cacho ay napakinabangan niya kahit na isa lamang siyang estudyante. Sa murang edad ay kumikita na ng pera na mula sa basura. Sabi nga nila “may pera sa basura”. Nagka-pera na siya, nakatulong pa siya sa kapaligiran. Ilan sa mga obrang binebenta niya ay mga action figures, robot, kotse, motorsiklo, atbp.




Nadiskubre ni Sebastian ang kanyang hilig at nagsimula noong siya ay 13 taong gulang. Dahil sa hilig niya sa paggawa ng robot ay nahasa ang kanyang galing. Sa loob lamang ng apat na oras ay makaka-gawa na siya ng robot na yari sa kahon. Makikita sa mga likha niya na mahusay at detalyado ang pagkakagawa. Katulad na lamang ng action figure na ‘Bumble Bee’ na para bang mamahaling laruan na mabibili sa mga malls.


Ayon kay Sebastian:
“Maganda po itong libangan ng mga teenager tulad ko dahil imbes na magco-computer ka lang, sasayangin mo oras mo, ito na lang po magandang libangan,” Kahit na kumikita na siya sa kanyang galing sa mga likha niyang nabebenta, mas tinututukan pa rin niya ang kanyang pag-aaral. Sana ay dumami ang katulad ni Sebastian na nagiging libangan niya ay kapaki-pakinabang at nakakapagpa-galing ng kanyang talento.





error: Content is protected !!