Nakaka-aliw na Prenup Photos dahil sa pagsuot lamang nila ng karton



Minsan lang sa pagkakataon ang makasal! Kaya naman marami sa mga gustong magpakasal ay pinaghahandaan mabuti ang importanteng araw para sa kanila. Karaniwan pa sa mga gustong nagpapakasal ay gumagasta ng malaki upang maipagmalaki at maging memorable ang mahalagang araw para sa kanila. Pero simple man o magarbo ang kasalan, ang mahalaga ay ikakasal ka sa taong mahal na mahal mo at handa mong makasama sa hirap man o ginhawa.


Maraming preparasyon ang ginagawa upang maging maayos ang kasalan. Kasama na dito ang simbahan o ganapan ng kasalan, reception, mga dekorasyon at bulaklak, kasuotan, photographer, at marami pang iba. Kadalasan ay kumukunsulta at humihingi ng tulong sa mga event organizer upang sila na mismo ang tumutok sa pagpapaganda at pagayos ng kasalan. Isa din sa mga nauuso ngayon ang tinatawag na ‘Prenuptial Photos’. Ito ay mga larawan ng dalawang ikakasal bago sila makasal. Ang iba ay talagang ginagastusan ang prenup at talagang pinapaganda.




Pero sa dalawang ikakasal na sina Jeffrey at Marivic, imbis na magagarbong damit ang suot, tanging kahon lamang ang suot nila. Ang mga litrato nila ay nag-viral at pinag-uusapan sa social media dahil sobrang kakaiba at bubukod-tangi ang konsepto ng kanilang prenup. Ang mga magaganda at kakaibang litrato ay kinuha ni Dexter Eusebio na isang photographer at filmaker. Mapapansin sa mga larawan ang kasiyahan nilang dalawa sa kanilang photoshoot. Ipinakita sa mga larawan ang ka-simplehan ng kanilang pagmamahalan. Patunay na hindi mo kailangan gumasta at bumili ng mga mamahaling damit upang maging memorable at maganda ang prenup.


Makikita din sa larawan na sila ay naka-paa lamang sa isang resort. Patunay na ang pagmamahalan nila ay di nangangailangan ng karangyaan sa buhay. Ipinakita din na kumakain sila sa isang tuhog-tuhog na tindahan habang sinusubuan ni Jeffrey ng ‘kwek-kwek’ si Marivic. Patunay ang mga larawan sa pagiging malikhain nila sa konsepto ng kanilang prenup. Mapapakita din sa mga larawan ang pagiging simple nila, at sa pagiging simple, dito nila nararamdaman ang pagmamahal at kasiyahan.





error: Content is protected !!