Isang pusa na bigla na lamang tumalon sa likuran ng isang estudyante sa PUP, kinagigiliwan ngayon ng marami!



Marami sa ating mga Pilipino ang mahilig mag-alaga ng iba’t-ibang uri ng mga hayop. Mayroong mga nag-aalaga ng mga hayop pang-agrikultura o di kaya naman ay pangkabuhayan tulad na lamang halimbawa ng mga kalabaw, baka, kambing, manok, baboy, isda marami pang iba. Mayroon din namang iilan na nag-aalaga ng mga hayop bilang kanilang mga “pets”, kaibigan, o makakasama sa bahay tulad na lamang ng mga aso, pusa, isda, kalapati, o iba pang mga ” exotic” na uri ng hayop tulad ng gagamba, ahas, at kung anu-ano pa.


Hindi na kataka-taka na marami sa atin ang lumaki sa presensiya ng maraming mga hayop na ito. Kung kaya naman hindi tulad ng iba ay hindi na bago o kakaiba sa atin ang makakita ng mga ganitong uri ng hayop. Kung kaya naman hindi na rin kataka-taka na marami ang natuwa sa isang insidente na ito na kung saan tumalon ang isang pusa sa likuran ng isang estudyanteng babae sa PUP o sa Polytechnic University of the Philippines.




Siya ay nakilala bilang si Maria Alonte. Unang nakita ang kaniyang larawan habang mayroong isang pusa na tila nakokomportable sa kaniyang likuran sa Facebook group na Top Tier Pusa Posting kamakailan lamang. Ayon sa dalaga, mayroong isang pusa na bigla na lamang sumakay sa kaniyang likuran habang siya ay naka-crouch noon sa kanilang paaralan sa PUP. Dagdag pa nito, halos makatulog na ang pusa na ito sa kaniyang likuran.


Ito ang samu’t-saring mga komento ng mga netizen na giliw na giliw sa “PUP Cat” na ito:
“You’re the chosen one. Keep that cat and you’ll have a happy company for life,” ito ang pahayag ni Keith Argente Arvesu. “I miss my alma mater. Anyway, ‘pag gan’yan, it means na napi-feel ng pusa na mabuti kang tao. Keep up loving the nature, and the nature will love you in return,” sambit naman ni Drakeyss Saur. “Clingy ‘yan hahaha! Tambay lagi sa Freedom Park ta’s ‘pag close na kayo, susundan ka hahaha!” ito naman ang nasabi ni Remmie Montoya.”





error: Content is protected !!