Ito Na Pala ang Bahay Ni Paolo Ballesteros, Mabibilib Ka Sa Ka-Simplehan ng Disenyo!



Pasilip Sa Simpleng Modernong Bahay Ni Paolo Ballesteros. Nakilala natin si Paolo Ballesteros sa angking galing sa pag-arte sa ibang mga pelikula at walang katulad na pag-Host sa Eat Bulaga. Siguradong nagmarka na sa isipan natin ang kanyang angking talento at marami na siyang napasayang tao.


Katulad ng ibang mga celebrities, minsan ay inaalam natin kung anong klaseng buhay ang meron sila sa kabila ng kanilang katanyagan. Marami tayong nakita na mga Celebrities na talaga namang nakaka-bilib ang mga bahay o mansion na kanilang napagawa. Karaniwan ay talagang ginagastusan ito ng sobra sa mga disenyo upang maging elegante at maganda. Ito kasi ang nagiging tropeyo nila sa pagsisikap na ginawa nila sa kanilang buhay.




Sa kasikatan ni Paolo Ballesteros, di maaalintana na ang kanyang kinikita sa industriyang ito ay malaki na. Ngunit, di tulad ng ibang mayayamang celebrity, ang pinagawa na Bahay ni Paolo Ballestetos ay may pagka-simple at walang halong kaaartehan ang itsura. Sa tulong ng kanyang arkitekto na si Gerald Torrente at kontraktor na Electus Builders, Co. sa ilalim ng pangangasiwa ni Lyra Tobias, ay malapit ng matirahan ni Paolo Ballesteros ang kanyang bahay sa Antipolo. Gumugol din ng isang taon ang paggawa ng kanyang simpleng modernong bahay.




Ang naging konsepto ng bahay ni Paolo ay pagiging konti at simple ang kulay. Umiikot ang kulay itim, puti at kahoy na kulay. Ang bahay na ito ay three-storey na masasabing mayroong “modern contemporary appeal”. Sa pamamagitan ng pagbabahagi niya sa Instagram ay nasilayan ng maraming netizens ang kanyang bahay. Harapan pa lang ng bahay ay talaga namang mamamangha ka sa kagandahan nito. Mapapansin din sa mga litrato ng kanyang post na maraming bintana ang kanyang bahay na magiging daan upang maging maliwanag ang looban ng bahay. Sinabi niya rin sa kanyang post ang kanyang pagkasabik na tirahan ang bahay at nagbigay siya ng pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya upang magawa ito.



Minsan ay nasasalamin sa personalidad ng tao ang itsura ng kanilang bahay. Hindi naman kailangan maging sobrang magara ito upang ipakita ang iyong nakamit sa buhay. Minsan ang pagiging simple ang tunay na maganda. Iba-iba ang pananaw ng bawat isa, pero ang mahalaga masaya ka sa gusto mong manyari sa iyong bahay.

Source:RealLiving




error: Content is protected !!