Jinkee Pacquiao ibinunyag na ang pinakamahal na bag na kaniyang pagmamay-ari!



Hindi na sikreto sa publiko kung gaano ang pagpapahalaga at pagbibigay ng importansiya ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang pangangatawan at higit sa lahat sa kaniyang pananamit at mga palamuti sa katawan. Kilala rin siya sa dami ng kaniyang mga koleksyon na mamahaling mga alahas, mga damit, sapatos at maging mga mamahaling bag!



Kamakailan nga lamang ay naging bahagi ang misis ng boxing champ at Senador na si Manny Pacquiao ng isang video sa “Metro.style” kung saan ibinahagi niya ang ilan sa mga paborito niyang mamahalin na bag na itinuturing din niyang mga “investment” mula nang makahiligan niya ito. Sa 3-minuto na videoclip na ito, nabanggit ni Jinkee na ilan sa mga paborito niyang designer bags ay ang kaniyang Hermes Himalayan Birkin Bag, Hermes Birkin Bag, Hermes Kelly Ghillies Bag, at Goyard Minaudière case handbag.


Ayon din sa 40 taong gulang na celebrity mom, ang pinakamahal niyang designer bag ay ang Hermes Himalayan Birkin Bag. Ibinahagi din niya na gustong gusto niya ring gamitin ang kaniyang “Hermes Birkin Bag in gray snakeskin material”, Hermes Kelly Ghillies Bag, na madalas niyang gamitin sa kaniyang mga biyahe sa loob at labas ng bansa, at ang kaniyang 1-buwang gulang na limited edition na yellow Minaudière Goyard Handbag.


Tinanong din si Jinkee kung alam ba ng kaniyang mister ang pagbili noya ng kaniyang mga designer bags at ayon dito ay hindi naman kadalasan nalalaman ng kaniyang asawa ang pagbili niya ng kaniyang mga mamahaling bag nagugulat na lamang ito na mayroong kamukhang bag sa mga kakilala ni Senador Pacquiao at masasambit na lamang niya na “Mahal pala yan? Mayroon din si Jinkee niyan!”



Talaga nga namang ikagugulat ninyo ang halaga ng mga bag na ito kung titingnan ninyo ito online, tulad na lamang ng Hermès Himalayan Crocodile Birkin na nagkakahalaga ng P22,425,768, ang Hermes Kelly Ghillies Bag na P4,331,592 ang halaga at ang Minaudière Goyard Handbag na nasa $3,530 hanggang $4,585.




error: Content is protected !!