Mayor Isko Moreno maayos na nakipag-usap sa mga vendor ng Divisoria!



Tunay ngang ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang eleksyon. Marami tayong mga kandidato na napusuan dahil sa matatamis nilang mga salita, at sa kanilang mga pangako noong sila ay nangangampanya pa lamang. Talaga namang marami sa atin ang napukaw ang atensyon at ang puso dahil sa mga kandidatong ito na ating hinangaan, at inasahan.



Kagaya na lamang ng bagong halal na alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno. Pinalitan niya sa posisyon ang dating pangulo ng Pilipinas na si dating Pangulo José Marcelo Ejercito Sr. na 82 taong gulang na. Si Mayor Isko Moreno ay kilala ring personalidad sa industriya ng show business dahil siya ay dati ring aktor sa mga pelikula at telebisyon. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang kaniyang video habang maayos na nakikipag-usap sa mga vendors ng Divisoria.


Ang video ng alkalde ay mayroon nang 321,000 na mga views at 4,800 na mga likes! Ito ay ibinahagi sa social media noong Hulyo 3, 2019. Tunay nga namang hinangaan ito ng maraming mga Pilipino dahil sa napakaayos at napakahinahon na pag-uusap ni Mayor Isko Moreno at ng mga tindero at tindera ng Divisoria. Mayroon pa ngang isang bahagi ng video na makikita na tila naggugupit pa ng kuko ang alkalde sa harap ng kaniyang kausap na tindera na tila nasa bahay lamang sila ay nagkukwentuhan. Sinang-ayunan din naman ito ng maraming mga taga-suporta at mga tindero na naniniwala sa mga ipinaglalaban ni Mayor Isko at para na rin sa ikabubuti ng kanilang bayan. Nais din ipabatid ni Mayor Isko sa lahat na hindi niya makakaya ang mga ninanais nilang pagbabago kung hindi magtutulungan ang lokal na pamahalaan at ang mga mamamayan nito.


Tunay ngang paunti-unti nang naisasaayos ang kaMaynilaan lalo na ngayon at mayroon nang bagong halal na mga opisyal na nagnanais rin naman ng ikauunlad at ikasasaayos ng Maynila. Si Mayor Isko ay isa lamang sa maraming mga bagong halal na opisyal na naghahangad na mapaunlad ang kanilang nasasakupan na lugar. Sana ito ay maging inspirasyon sa mas marami pa na mga pulitiko sa ating bayan.






error: Content is protected !!