Pamilya ng mga ‘Seaman’ isang halimbawa ng hashtag na “FamilyGoals”



Sa isang pamilya, kadalasan ay sinusundan ng mga anak ang yapak ng kanilang mga magulang. Halimbawa ay ang mga anak ng artista, dahil nasa industriya na ng showbiz ang magulang madali na para sa anak ang maging artista din. Pero may mga magulang na hinihiling sa kanilang mga anak na maging iba naman ang mapiling propesyon. Kahit na binibigyan ng opinion ng magulang, ang masusunod pa rin sa huli ay ang anak. Pero isang pamilya ang magpapatunay sa hashtag na ‘FamilyGoals’ dahil ang limang anak ay ginaya ang kanilang ama na Seaman. Sa isang Facebook post ni Khevin Martinez, ibinahagi niya ang mga graduate pictures ng kanyang pamilya. Ang limang magkakapatid ay seaman pati rin ang kanyang ama.


Ito ang caption ng post:
“We are born to sail.”. Ipinakita sa larawan ang tagumpay ng mga magulang sa pagpapalaki ng limang anak at puro seaman lahat katulad ng kanilang ama. Ang ama na si Rafael Martinez ay second mate ng isang international ship at naging kapitan din sa lokal. Bagamat retiro na si Rafael, ang kanyang tagumpay ay sinusundan ng kanyang limang anak na lalaki. Mas marami ng panahon ngayon si Rafael Martinez sa kanyang asawa na si Divina Martinez sa mga panahong wala siya sa piling dahil sa pagiging seaman. Kahit na matagumpay na sa buhay, pinili pa rin ng mag-asawa na maglingkod. Sa katunayan ay barangay kapitan si Rafael at Konsehal naman ng barangay si Divina.




Hindi pinilit ng mga magulang na maging seaman ang mga anak nila. Ang pagiging seaman ng kanilang mga anak ay nagmula sa kanilang sariling desisyon. Sinasabi pa nga ng mga magulang na pumuli ng ibang propesyon katulad ng engineering o nursing. Marahil ang paghanga sa kanilang ama ang naging dahilan upang pagiging seaman ang kagustuhan. Lahat sila ay naka-graduate ng pagiging seaman sa Cebu at patunay ang litrato. Nakaka-tuwang pagmasdan ang litratong ito na magpapakita ng pagiging matibay ng pamilya. Ang larawan ding ito ang isang ihemplo ng pagpupursige ng mga magulang para sa kanilang mga anak.




error: Content is protected !!