Sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpuan ng isang photographer ang kanyang matagal ng nawawalang ama



Si Diana Kim ay isang Korean-American Photographer. Hindi naging madali ang kanyang buhay dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang noong siya ay limang taong gulang pa lamang. Simula noon ay hindi na muli niyang nakasama ang kanyang ama. Sinubukan niyang hanapin ang kanyang ama ngunit siya ay nabigo.

Gayon pa man, hindi pa rin siyang tumigil umasa na muli niyang makikita ang kanyang ama. Dahil isa siyang photographer, natagpuan niya ang kanyang ama sa hindi inaasahang pagkakataon. Nang siya ay kumukuha ng mga litrato ng mga pulubi o mga taong lansangan, dito ay nakita niyang muli ang hinahanap niyang ama.




Ang paboritong kuhanan ni Diana Kim ng mga litrato ay ang mga litrato ng mga taong walang bahay at nakatira sa kalsada. Ito ang napili niya dahil ramdam niya ang paghihirap ng mga taong ito dahil naranasan niya ang hirap noong siya ay bata pa lamang.


Ayon kay Diana Kim:
“I feel that I can understand their pa!n from a certain angle.”


Idinagdag pa niya:
“I know what it meant to be forgotten and abandoned. I also know the pa!n of not being able to get a stable life and economic freedom that I long because I have experienced it all.” Karaniwan sa mga taong walang bahay ay mga taong pinabayaan ng kanilang pamilya at kamag-anak. Pero hindi niya lubos akalain na dito pa niya makikitang muli ang kanyang matagal ng hinahanap na ama. Natagpuan niya ang kanyang ama na naninirahan sa kalsada na madumi at walang kasama. Napag-alaman din niyang may karamdaman ang kanyang ama na malubha ng sakit na schizophrenia. Labis na kasiyahan at pagka-awa ang naramdaman ni Diana Kim kaya naging determinado siyang tulungan ang kanyang ama sa kanyang sakit at para sila ay muling magkasama.


Isang pangyayari ang naganap kung saan sila ay nagkaroon ng matibay na samahan, ng ang ama ay nagkaroon ng atake sa puso at nangangailangan ng taong magaalaga sa kanya.


Inalagaan ni Diana ang kanyang ama at ito ang naging dahilan upang magkausap.


Sa kabutihang palad ay bumuti ang kalagayan ng ama ni Diana Kim. Sila ngayon ay magkasama at masaya.



Hindi pa huli para sa kanila na ang gumawa ng mga magagandang alaala na magkasama bilang ama at anak.