Angeline Quinto pinasilip na sa publiko ang kanilang napakagandang dream house!



Ipinasilip na sa publiko ng Kapamilya actress at singer na si Angeline Quinto ang kaniyang “modern style” na tahanan na itinuturing din niyang “dream come true”.’ Ang napakaganda niyang tahanan ay naitampok na rin sa programa ng ABS-CBN network na “Magandang Buhay”, kung saan ipinasyal pa ng singer-actress ang mga host nito na sina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, at Karla Estrada sa kanilang tahanan.


Ang 29 na taong gulang na celebrity ay nagsimula sa entertainment industry matapos niyang manalo sa isang reality singing competition noong 2011 na pinamagatang “Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar”. Mula noon ay hinawakan na ng Kapamilya network ang kaniyang karera at nabiyayaan rin siya ng ilang mga proyekto, guestings, at stints sa loob at labas ng bansa na naging dahilan din upang makaipon siya ng sapat na pera upang makabili ng sarili nilang bahay.




Una nang bumili ng bakanteng lote si Angeline at kalaunan ay nagpatayo na ng sarili niyang tahanan na kaniya rin namang pangarap na tirahan. Pinasadya din niya na magkaroon ng mataas na kisame ang kanilang tahanan dahil sa naranasan nilang pagbaha noon sa dati nilang bahay dahil sa bagyong Ondoy. Ang kaniyang bahay ay mayroong modernong disenyo, berde at puti na mga color scheme na itinuturing ni Angeline bilang mga swerteng kulay.


Ang kanilang “main door” ay mayroon ding bituin na mayroong malalim na kahulugan para sa sikat na mang-aawit. Sa labas naman ng kanilang bahay ay ang malaking swimming pool ng pamilya at para din sa mga bisita. Dagdag pa niya, ang kanilang tahanan ay madalas na mayroong mga bisita mula man ito sa show business industry o mga malalapit na kaibigan at kamag-anak, isa na sa mga ito ang isang sikat din na mang-aawit na si Erik Santos na usap-usapan na malapit rin kay Angeline. Tunay ngang kamangha-mangha ang napakagandang bahay na ito ni Angeline Quinto!





error: Content is protected !!