Isang 39 na taong gulang na ina ang nakapag-tapos ng Senior High School sa Laguna



Ang edukasyon ay isang kayamanan na hindi kayang agawin ng ibang tao sayo. Mahalaga ang makatapos ng pag-aaral. Ito ang magiging sandata sa pagharap sa buhay upang marating ang pangarap. Kaya naman mapalad ang mga nakakapag-aral dahil hindi lahat ay binibiyayaan ng ganitong pagkakataon. Ang iba naman ay imbis na pagbutihan ang pagaaral ay nakukuha pang pabayaan. Walang nagsisi sa una, lahat ay nagsisisi sa huli. Pero kapag hindi ba nakatapos ng pagaaral ay dapat bang kalimutan na ang pangarap? Siyempre hindi!


Katulad na lamang ng isang 39 taong gulang na si Precious Manguerra na tinatawag ding “Mommy Precious” na nakpag-tapos na ng pag-aaral ng Senior Highschool. Kahit na may edad na si Mommy Precious, hindi siya tumigil sa kanyang pangarap na makapag-tapos ng pag-aaral. Naniniwala din siya sa kasabihan na “age is just a number”. Kahit na mayroon na siyang anak, hindi naging balakit ito upang muli siyang mangarap sa kanyang gustong marating sa buhay.




Nakatapos ng pag-aaral si Mommy Precious sa Labas Senior Highschool. Hindi lamang diploma ang natanggap niya sa pag-graduate may kasama pang mataas na karangalan o ‘high honors’.  Siya ay pang-apat na honor student sa kanyang batch at may karangalan pang Pandayan Resilency Award dahil. Siya nakilala at aktibong miyembro din ng isang organisasyon sa Journalismo sa kanilang eskwelahan. Ibinahagi din ni Mommy Precious na naging pabaya siya noong kabataan niya sa kanyang pagaaral.


Ayon kay Mommy Precious:
“Marami akong pagkakamali noong kabataan ko pero mula doon ako ay natuto at nagsumikap na ayusin ang aking buhay kasama ang aking pamilya na itinatag. Nagkamali man noon, bumawi naman ngayon. Sa kanyang speech sa graduation, nagpasalamat siya sa mga tumulong sa kanya upang marating ang kanyang pangarap at siyempre lahat din ng ito ay pasasalamat niya sa Diyos. Sa pagtatapos ng Senior Highschool, ang isusunod naman niya ay ang makapag-aral ng kolehiyo sa kursong Multimedia Arts with Specialization in Mobile Techbologies sa FEU.


Congrats Mommy Precious!




error: Content is protected !!