Isang ama tumatakbo ng 17 kilometro mula sa kanilang opisina hanggang sa kanilang tahanan araw-araw matapos ang kaniyang trabaho!



Tiyak na marami ang sasang-ayon na terible na talaga ang problema ng trapiko hindi lamang sa Maynila ngunit maging sa ilang bahagi pa ng ating bansa. Dahil sa problema sa trapiko ay maraming mga bagay na naisasaalang-alang at nawawalan na ng halaga. Hindi lamang limpak limpak na salapi ang nawawala sa ating ekonomiya dahil sa problema na ito kundi maging ang mga kapaki-pakinabang na mga bagay na maaari pa nating gawin sa mga oras natin na nasasayang. Ngunit higit pa rito ay ang naaaksayang oras natin para sa ating trabaho at sa ating mga mahal sa buhay.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang ama na gumawa na ng kaniyang sariling hakbang upang kahit papaano ay masolusyunan ang problema na ito. Siya ay nakilala bilang si Jayson King Tan na nagbahagi ng kaniyang kwento sa isang Facebook page na kaniyang kinabibilangan. Ayon sa kaniya, tinatakbo niya ang Pasay na kanilang opisina patungo sa kanilang tahanan sa Malabon. Ang 37 pitong taong gulang na tatay ay tumatakbo ng labing-anim na kilometro araw-araw sa loob ng higit sa isang oras matapos ang kaniyang trabaho upang maagang makauwi sa kanilang tahanan.



Nagsimula ang gawain niyang ito ng hilingin ng kaniyang anak na babae na sana ay umuwi naman siya ng maaga. Dahil sa gawain niyang ito ay nakakapag-ehersisyo na siya araw-araw at nagagawa pa niyang makapaglaan ng oras para sa kaniyang mga anak na kadalasang hindi na niya nagagawa dahil sa haba ng oras na nailalaan niya sa haba ng trapiko sa Maynila.


Tunay nga na higit sa ano pa mang materyal na pangangailangan ng isang anak sa kaniyang magulang, napakalaking bahay pa rin ng pagkakaroon ng oras at panahon na makasama sila, makausap, makumusta, at makalaro man lamang. Dahil dapat din namang tandaan ng maraming mga magulang na hindi sapat ang mamahaling gadget, pera, o iba pang mga materyal na bagay para sa ikaliligaya ng kanilang mga anak, napakalaking bagay pa rin ang panahon at oras na kaya nilang ilaan para sa mga ito lalo na sa panahon na sila ay lumalaki na at nakakaranas na ng maraming mga pagbabago at pagsubok sa buhay.





error: Content is protected !!