Categories: Viral

Isang lalaking nakasakay sa jeep, nagbigay ng tulong sa inang malapit ng manganak

Ang pagtulong sa kapwa ay walang limitasyon. Kung may kakayahang makatulong sa mga nangangailangan dapat lamang na gawin ito. Dahil ang tumulong sa kapwa ay magpapakita ng kabutihan ng iyong puso. Sabi nga nila, mas mabuti na ikaw ang nagbibigay kaysa sa ikaw ang binibigyan. Gayon pa man, bibihira lang ang mga mapagbigay na tao. Kadalasan pa nga ay kung sino pa ang mayayaman sila pa ang gahaman at talamak sa kayamanan. Tandaan, hindi nasasama sa hukay ang yaman naipon dito sa lupa. Mas mainam ng maalala tayo ng mga tao sa kabutihang nagawa natin habang tayo ay nabubuhay. Katulad na lamang ng isang lalaki na tumulong sa isang ina na malapit ng manganak. Ang naturang post sa Facebook ay ibinahagi ng isang netizen na ang pangalan ay Khen Pili noong June 28, 2019.


Ayon sa post:
“Kanina nung nasa byahe ako papuntang lipa, may nakasabay akong buntis kasama ang kanyang anak na mliit at asawa, habang nasa daan kami. Iyak na iyak ang anak nung babae na buntis at napansin ito ni kuya, binigyan nya yung bata bg 500 pesos pang kain daw, tapos napansin namin na parang iba na yung lagay nung buntis. Nalaman namin na manganganak na pala ito at dadalhin pala sa paanakam sa lipa. Wala sila sasakyan kaya nagbyahe na lang sila, then dinagdagan pa ni kuya ng 1k yung una nyang binigay na 500 nung nalaman na aanak na pala yung babae, ibinigay din nya ang number nya sa mag asawa at tawagan daw sya kung sakaling kailangan ng tulong at tutulong daw sya..”


Kung tutuusin ay hindi mukhang mayaman ang tumulong na lalaki. Mapapansin sa kanyang itsura ang pagiging simple. Makikita rin na hindi mamahalin ang kanyang cellphone na hawak at sumasakay lamang sa jeep. Pero kahit simpleng tao lang siya, dahil sa nakita niya na may nangangailangan, hindi siya nagdalawang isip na tumulong at magbahagi ng pera. Ang nasabing post ay nagviral at umani ng 267K na reaksyon, 1.5 na komento, at 64K na shares sa pagsusulat nitong artikulong ito.

Tinapos ni Khen Pili ang kanyang post sa papuri niya sa lalaking tumulong:
“shout out sayo kuya kung sino ka man. Napaka buti mo”

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago