Isang nakakamanghang istorya ng maagang pag-aasawa ng magkasintahang ito, umani ng papuri mula sa publiko!

Marami sa atin ang nakakaalam at nakaranas na sa ating pamilya ng “teenage marriage”. Isang maagang pagsasama ng mga kabataan na kalaunan ay nagiging dahilan rin naman upang magkaroon ng problema o magkahiwalay ang mga maagang nag-aasawa. Ngunit ang kwento na ito ay talaga namang magbibigay sa bawat isa ng inspirasyon dahil hindi naging dahilan ang kanilang pagiging bata o ang mura nilang kaisipan upang agad na matuldukan ang kanilang relasyon at ang kanilang pagmamahalan.


Si John Edver Montero ay isang 2nd year college student at isang 17 taong gulang na estudyante lamang noong habang si Anne naman ay mas bata ng dalawang taon sa kaniya. Labing-limang taon gulang lamang si Anne noon at nasa ikatlong taon niya sa hayskul. Pareho silang bata pa ngunit kailangan nang yakapin ang malawak at mabigat na responsibilidad ng pagiging isang ina, ama, at asawa. Ayon kay John, maraming mga tao ang humuhusga sa kanila at maging ang kanilang sariling mga pamilya ay hindi rin sang-ayon sa kanilang naging desisyon.

Ngunit sa kabila nito ay pinilit nilang bumangon at magtulungan upang maging matagumpay sa buhay para sa kanilang pamilya at mga anak. Si Anne ay nagsumikap magtrabaho bilang isang service crew mula 5-8am hanggang 3-7pm. Kasabay nito ay ang kaniyang pagpasok sa eskwela mula ika-9 ng umaga hanggang ika-2 ng hapon. Sinubukan niya rin ang “direct selling” tulad ng pagbebenta ng mga produkto ng “Avon”, “Natasha”, “Boardwalk” at iba pa. Habang si John naman ay nagbebenta ng halo-halo at barbecue.

Nagbunga naman ang lahat ng kanilang paghihirap at pareho silang nakapagtapos ng kanilang pag-aaral. Hindi na rin sila naging masyadong mapili pa sa kanilang mga naging trabaho dahil kahit anong trabaho ay pinapasok nila basta ito ay legal. Kalaunan ay sinubukan din nila ang “networking business” hanggang sa nakilala nila si Rudolf Ryan Perez taong 2017. Si Rudolf ang nagpakilala sa kanila ng “E-commerce Business” at sa loob lamang ng isang taon ay nakabili na sila ng sarili nilang bahay at lupa at sasakyan.



error: Content is protected !!