Isang tindero ng binatog nasagi ng isang tricycle na hindi man lang siya tinulungan habang nagpupulot ng natapunan niyang mga paninda!



Sa panahon natin ngayon mahirap nga talagang maghanap-buhay. Hindi madaling magbanat ng buto upang mayroong kitain na pangtustos sa pag-aaral ng ating mga anak o kahit lamang sa pang-araw-araw nating mga gastusin sa ating tahanan mula sa pagkain, bayarin sa kuryente at tubig, at marami pang iba. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na mas magpursige pa ang ating mga magulang para lamang sa ikagaganda ng ating pamumuhay at ng ating kinabukasan.


Ngunit kamakailan lamang ay kumurot sa puso ng marami ang kawawang tindero na ito ng binatog na nagkalat ang paninda sa kalsada. Para sa isang nagtitinda ng binatog ay talaga namang napakasaklap ng nangyari dito na sa halip na kumita ay nasayang lamang ang kaniyang dapat sana ay pera na maiuuwi na sa kaniyang pamilya.




Ang tindero ng binatog ay nakilala bilang si Alfredo Viernes na mula sa Sta. Cruz, Manila. Pasimula pa lamang ng kaniyang araw noon ng bigla na lamang masagi ng tricycle ang kaniyang mga paninda dahilan upang ang lahat ng ito ay matapon sa daan. Sa halip pa nga na tulungan siya ng tindero ay tiningnan lamang ang kawawang matanda at ang kaniyang nasayang na paninda at saka umalis. Ang mahirap pa sa nangyari ay habang inaayos ng matanda ang kaniyang mga paninda ay mayroon pang masamang loob na kumuha sa kaniyang cellphone. Talaga namang kalunos-lunos ang sinapit ng kawawang tindero. Natapon na nga ang kaniyang paninda ay nawalan pa siya ng telepono na hindi rin naman basta basta maipupundar kaagad.


Marami din naman ang tumulong sa kaniya sa pag-aayos ng kaniyang nasayang na paninda. Ngunit bilang mga Pilipino sana man lamang ay hindi na natin sinamantala ang kalagayan ng kawawang matanda kasabay pa ng pagnanakaw ng kapwa niya Pilipino sa kaniya. Ano na ang nangyari sa ating dapat sana ay pagbabayanihan, pagtutulungan at pagmamalasakitan?





error: Content is protected !!