OFW na tatay, sinorpresa ang kanyang mag-ina sa pagsuot ng mascot sa kanyang pag-uwi



Maraming Pilipino ang sumusubok ng kanilang kapalaran sa ibang bansa. Ito ay para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Hindi biro ang mawalay sa pamilya at mapadpad sa ibang lugar. Matinding pakikisama ang ginagawa ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) upang malampasan pagsubok sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Karaniwan sa mga kontrata sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay tumatagal ng isa o dalawang taon bago makauwi muli ng bansa. May ilan din na mas matagal pa na umaabot ng maraming taon. Mahirap man ang kalagayan ng iba, tinitiis ito para sa kabutihan ng pamilya.



Katulad na lamang ng isang OFW na nawalay sa kanyang pamilya ng walong taon. Nagviral ang pangyayari kung saan ay nagkita muli sila ng kanyang pamilya sa isang napakatamis na pangyayari. Dahil sa matagal na pagkawalay sa pamilya, nagplano si Raymond sa magiging pagkikitang muli ng pamilya. Sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan, naging espesyal ang pangyayaring ito. Ito ay naganap sa Max’s Restaurant sa SM Lanang Premier Mall sa Davao City.

Upang masorpresa ang asawa at anak, nakiusap si Raymond sa Max’s Restaurant upang suotin ang costume ng kanilang mascot. Pinayagan si Raymond kaya naman naitago muna niya ang sarili bago i-sorpresa ang pamilya. Nang dumating ang pamilya ni Raymond, nakasuot na ang hiniram na costume. Sa pagpasok ay binati na ng naka-mascot na si Raymond at itinuro ang kanilang magiging mesa. Sinabihan din sila na ang restaurant ay nagdiriwang ng anibersaryo ng araw na iyon at sila ay nanalo ng premyo.




Natuwa ang asawa ni Raymond sa Mascot at sa premyo. Nagvideo pa ang asawa at pinadala pa sa messenger ni Raymond. Hinarana ng naka-mascot na si Raymond ang kanyang pamilya. Nang matapos ang kanta, may service crew na nagsabing buksan ang regalo at may nakalagay na “Happy Birthday” at mga lobo.

Pero laking gulat niya sa paglingon niya ay nakita niya ang kanyang asawa na si Raymond at sila ay nagyakap at naiyak sa labis na kasiyahan.




error: Content is protected !!